GMA Logo Kyline Alcantara, Mavy Legaspi at Tiktok Awards Philippines
Celebrity Life

Kyline Alcantara at Mavy Legaspi, nagpakilig sa TikTok Awards Philippines 2022

By Jimboy Napoles
Published August 21, 2022 5:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Australia shuts dozens of east coast beaches after shark attacks
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Kyline Alcantara, Mavy Legaspi at Tiktok Awards Philippines


Ano kaya itong sinabi ni Mavy Legaspi na nagpakilig kay Kyline Alcantara habang nasa TikTok Awards Philippines 2022?

Isa ang tambalang Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa mga celebrity na dumalo sa ginanap na TikTok Awards Philippines 2022 nitong Sabado, August 20, sa New Frontier Theater sa Quezon City.

Sa nasabing event naghandog ng kilig dance performance ang dalawa kasama sina Jopay Paguia at asawa nitong si Joshua Zamora.

Bukod dito, ang MavLine ang napiling maging presenters ng dalawang major award para sa TikTok Content Creators. Ito ay ang TikTok Rising Star of the Year at TikTok Rising Live Star of the Year.

Source: TikTok Philippines (YouTube)

Pero bago i-present ang award, hindi napigilan ni Mavy na bumanat ng kilig joke para kay Kyline.

"Mav, I have a question, naka-relate ka ba doon sa Sibling Goals number?" tanong ni Kyline.

Agad naman na sumagot si Mavy, "Actually, pwede kami ni Cassy para sana four sets of twins na kanina. Pero for tonight, parang mas gusto ko na ikaw 'yung ka-partner ko.

"Relationship Goals ang goal ko eh," ani Mavy.

Mabilis naman na napangiti si Kyline sa sinabi ng aktor.

Source: TikTok Philippines (YouTube)

Samantala, tinanghal bilang Top Media Publisher ang award-winning news magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho habang kinilala naman ang Kapuso actress at gaming content creator na si Myrtle Gail Sarrosa bilang Top Gaming Storyteller sa TikTok Awards Philippines 2022.

SAMANTALA, NARITO PA ANG ILANG MGA LARAWAN NG KAPUSO STARS NA PRESENT SA TIKTOK AWARDS PHILIPPINES 2022.