GMA Logo Kapuso Mo Jessica Soho, TikTok Awards 2022
What's Hot

'Kapuso Mo, Jessica Soho,' kinilala bilang Top Media Publisher sa TikTok Awards Philippines 2022

By Jimboy Napoles
Published August 21, 2022 11:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 19, 2025
Davao City expands incentives to attract more investors
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Kapuso Mo Jessica Soho, TikTok Awards 2022


Patuloy ang pamamayagpag ng Kapuso Mo, Jessica Soho hindi lamang sa TV kung 'di pati na rin sa online.

Itinanghal bilang Top Media Publisher ang award-winning news-magazine show ng GMA na Kapuso Mo, Jessica Soho o KMJS sa ginanap na TikTok Awards Philippines 2022 nitong Sabado ng gabi sa New Frontier Theater sa Quezon City.

Ang nasabing karangalan ay isa mga pinakabagong award na ibinigay ng TikTok na bahagi ng ikalawang taon ng kanilang awards show. Si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi ang nagsilbing presenter ng award.

Source: TikTok Philippines (YouTube)

Hindi man nakarating ang host ng programa na si Ms. Jessica Soho, ang GMA Public Affairs Assistant Vice President at KMJS Program Manager na si Lee Joseph "LJ" Castel ang siyang tumanggap ng pagkilala.

Sa kanyang acceptance speech nagpasalamat at kinilala rin ni LJ ang TikTok bilang isang malaking source ng mga viral na kuwento ng kanilang programa.

Aniya, "Ang TikTok ay isa sa malaking source ng mga viral at trending na kuwento ng aming programa dahil ang TikTok na unang sumikat sa filters at dance challenges, naging platform na rin para ipakita ang husay, talento, at kuwento ng mga Pilipino na mapapasabi ka na lang ng 'I-KMJS na 'yan!' Muli, maraming salamat po, TikTok Awards."

Bukod sa KMJS, nakatanggap din ng pagkilala ang Kapuso actress at gaming content creator na si Myrtle Sarrosa bilang Top Gaming Storyteller sa TikTok Awards Philippines 2022.

SAMANTALA, NARITO PA ANG ILANG MGA LARAWAN NG KAPUSO STARS NA PRESENT SA TIKTOK AWARDS PHILIPPINES 2022.