GMA Logo Kyline Alcantara
What's on TV

Kyline Alcantara, inaming kinabahan sa kanyang pagbabalik kontrabida

By Dianne Mariano
Published August 31, 2024 4:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kyline Alcantara


Ayon kay 'Shining Inheritance' star Kyline Alcantara, ang pagganap ng kontrabida role ay kanyang comfort zone noon.

Muling nagbabalik sa isang kontrabida role ang Sparkle actress na si Kyline Alcantara sa upcoming Philippine adaptation ng K-drama series na Shining Inheritance.

Sa naganap ng media conference para sa naturang serye nitong Biyernes (August 30), inamin ng aktres na nakaramdam siya ng kaba sa kanyang pagbabalik kontrabida, na aniya'y comfort zone niya noon.

“Sobra-sobra po 'yung pressure kasi katulad nga po ng sinasabi ko before, dati comfort zone ko po ang pagiging kontrabida. Pero ngayon po, hindi na, so kinakabahan po ako kung paano siya i-a-accept ng ating mga Kapuso,” lahad niya.

Ayon pa kay Kyline, ni-request niya sa kanyang team na gumanap muli sa isang kontrabida na karakter dahil nami-miss niyang gumanap ng complex role. Bibigyang-buhay ng aktres ang role bilang Joanna De La Costa sa Shining Inheritance.

Related gallery: Kyline Alcantara, na-miss ang pagiging isang kontrabida


Aniya, “Joanna is really complicated, sobra. Mabait naman po si Joanna pero may mga ginagawa lang po talaga siya na hindi maganda. And Joanna's feisty, she's aggressive also. At isa sa mga hindi magandang nagagawa ni Joanna ay naging feisty and aggressive din po siya pagdating sa lola niya.”

Ikinuwento rin ni Kyline kung paano nila pinaghahandaan ng kanyang co-star na si Kate Valdez ang kanilang matitinding mga eksena sa serye.

“Yakapan muna po, pag-uusapan namin, 'Tototohanin ba natin?' Pero sa amin po kasing dalawa ni Kate, gusto talaga namin mas totoo para tagos na tagos sa screen ng ating mga Kapuso. Pero siyempre, aaminin ko naman po, may moments talaga na 'di namin maiwasang magkasakitan. Pero kaming dalawa ni Kate, we're really professional. So alam namin na trabaho 'to,” kwento niya.

Abangan ang world premiere ng Shining Inheritance sa September 9 sa GMA Afternoon Prime.