
Ipinakilala na ang bagong karakter sa tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Sa latest episode ng serye na ipinalabas nitong Biyernes ng gabi, July 3, nasaksihan ang pagdating ni Callie Sandoval, ang role ni Kyline Alcantara sa serye.
Related gallery: Meet the cast of Taskforce Firewall
Ang first appearance ni Kyline ay nag-trend at talaga namang naging usap-usapan sa X at iba pang social media platforms.
Napanood dito ang eksena kung saan ipinaalam niyang siya ay anak ng lalaking nabangga ng kotse na kalaunan ay na-meet ng PBI member na si Isa, ang role ni Kylie Padilla.
Si Callie Sandoval na role ng Sparkle star ay makikilala sa serye bilang isang financial analyst at forensic accountant.
Iikot ang istorya ni Callie sa paghahanap sa kanyang tatay na nasangkot sa online sabong.
Samantala, sa recent Instagram post ni Kyline, ibinahagi niya ang pa-warm welcome sa kanya ng Taskforce Firewall team.
Kabilang dito sina Miguel Tanfelix, Kylie Padilla, Jak Roberto, Buboy Villar, at Cheska Fausto.
Subaybayan si Kyline Alcantara bilang si Callie Sandoval sa Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.
Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies. May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.