What's Hot

Kyline Alcantara, masaya dahil busy siya with various projects

By Gia Allana Soriano
Published October 13, 2018 2:06 PM PHT
Updated October 13, 2018 2:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Hungary just elected a hot new Prime Minister: Who is Peter Magyar? 
Singco Mano releases 'Manong ('Wag Po)'; featured on Spotify's New Music Friday PH

Article Inside Page


Showbiz News



Kahit na busy ang schedule niya, masayang masaya si Kyline Alcantara sa takbo ng kaniyang showbiz career, lalo na't mapapanood na rin siya sa GMA musical variety show na 'Studio 7.'

Busy ngayon si Kyline Alcantara dahil pagkatapos ng Kambal, Karibal, may mga guestings siya agad sa iba't ibang GMA Network shows, at kakatapos lang din ng kanyang solo concert.

Ngayon naman ay busy din si Kyline dahil kabilang siya sa upcoming musical variety show na Studio 7.

Pero hindi naman bothered ang Kapuso star sa kanyang schedule, at may oras pa rin naman daw siya upang magpahinga.

True confidence has no room for jealousy, competition and envy. When you know your great, you have no reason to hate.

A post shared by Kyline Alcantara (@itskylinealcantara) on

Aniya, "Of course po, binibigyan naman po ako ng management, Artist Center, ng time for myself. Kasi kailangan naman po na balance lang sa lahat ng bagay.

"And thank you po dahil busy ako, dahil blessing po siya. I'm not complaining about anything. Sabi ko nga po sa kanila, don't mind my sleep, I can manage it. Parang bigay niyo lang ako ng bigyan ng trabaho, and I'll accept it."

Ipapalabas ang Studio 7 ngayong October 14, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.