GMA Logo kyline alcantara
Source: Kyline Alcantara (FB)
What's on TV

Kyline Alcantara, sa muling pakikipagrelasyon: 'I'm not ready for it'

Published July 14, 2026 2:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sara: Day 4 shows impeach complaint not backed by proof
Yoo In Na, Lee Dong Wook share heartwarming moments in 'Goblin' anniversary series
Country's flag carrier rolls out three-day seat sale

Article Inside Page


Showbiz News

kyline alcantara


Kyline Alcantara: “Medyo natatakot na din ako masaktan ulit and masaktan din yung family ko.”

Sa isang eksklusibong panayam sa Fast Talk with Boy Abunda, tinanong ni King of Talk Boy Abunda si Kyline Alcantara tungkol sa kanyang pananaw sa pag-ibig matapos mabigo sa relasyon.

Ayon kay Kyline, bagama't hindi niya sinusukuan ang pag-ibig, aminado siyang hindi pa siya ganap na handang pasukin itong muli sa kasalukuyan.

“Andoon pa rin ako sa I will never give up on love, andoon pa rin ako. But right now, I'm not ready for it,” sagot ng Taskforce Firewall actress.

Bukod dito, inihayag ng aktres na wala siyang kinikilalang espesyal na tao sa kasalukuyan. Aminado siyang tila nagkaroon siya ng “pagkapagod” sa paulit-ulit na proseso ng pagkilala sa bagong tao tuwing papasok sa isang relasyon.

“I know for a fact that I'm not ready now because I just, I'm not entertaining anybody. Siguro, I just got tired of the whole process of getting to know each other again-- the whole cycle of it,” ani ng aktres.

Related Gallery: Kyline Alcantara, sinagot ang pagkaka-link sa kaniya kay Sam Versoza

Palaisipang tanong naman ni Boy para kay Kyline: “Can you be single but can your heart be taken?”

Agad itong sinagot ng huli: “Hindi po. My heart is taken by my work. Siguro 'yun po muna ngayon."

Sabay amin niya tungkol sa muling pakikipagrelasyon, "Kas, parang medyo natatakot na din ako masaktan ulit eh and masaktan din yung family ko."

Ibinahagi rin ng aktres ang mga payong natanggap mula sa kanyang pamilya tungkol sa pakikipagrelasyon.

“'Wag magmadali, 'wag po magmadali if meron kang nagugustuhan na isang lalaki, 'wag madali, kilalanin mo nang mabuti muna before you really fall for that person,” ani Kyline.

Samantala, inamin ng Kapuso actress na madali siyang mahulog sa pag-ibig. Sa palaga niya, ito ay dahil punong-puno siya ng pagmamahal na naibabahagi niya rin sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

“Kaya siguro ako mabilis ma-in love or just to give love that easily, it's because I feel I have too much love to give. So, I just want to give it to people like, for example, my friends, my family, and then my special someone. Siguro kaya ganun,” ani Kyline.

Matapos pakinggan ang mga pahayag ni Kyline, inilarawan siya ni Boy bilang isang taong nasa mabuting kalagayan ngayon.

Sumang-ayon dito ang aktres, "I am in a good place. I am joyful right now. Kasi sobrang ganda po ng Taskforce Firewall,” sabi ng aktres.

Dagdag pa niya, "Dapat niyo pong abangan, dahil tumataas na po ang ratings namin, nagte-trend po kami. Maraming-maraming salamat po, sana every night panoorin niyo po."

Bilang pagtatapos, pabiro namang hiniling ni Boy kay Kyline na magbigay ng mensahe para sa kanyang “future boyfriend.”

Agad naman itong sinagot nang pabiro ng aktres: “Wait ka lang diyan, hindi pa ako ready.”

Patuloy na subaybayan si Kyline sa Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime! Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies. May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.