GMA Logo kyline alcantara and mavy legaspi
Source: mavylegaspi (Instagram)
What's on TV

Kyline Alcantara says she won't give Mavy Legaspi a second chance if he does this 'thing' to her

By Jimboy Napoles
Published June 12, 2023 6:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

kyline alcantara and mavy legaspi


Ibinahagi ni Kyline Alcantara na hindi niya kayang patawarin si Mavy Legaspi sakaling gawin niya ang bagay na ito.

Inamin ng Sparkle star na si Kyline Alcantara na hindi niya kayang magbigay ng second chance sa kaniyang on-screen partner at manliligaw na si Mavy Legaspi kung sakaling mag-cheat man ito sa kaniya.

Sa June 12 episode ng Fast Talk with Boy Abunda, excited na sumalang sa isang panayam si Kyline kasama ang batikang TV host na si Boy Abunda.

Dito ay kanilang pinag-usapan ang second chance na nangyari sa kaniyang mga magulang noon nang ang mga ito ay maghiwalay at muling magkabalikan para sa kanilang pamilya.

Mula rito, tinanong ni Boy si Kyline, “Meron bang magagawa si Mavy na hindi mo kayang patawarin?”

Sandali namang natahimik si Kyline at sinabing, “Alam niya naman po 'yun e, kung ano 'yung magagawa niya na hindi ko siya kayang patawarin at 'yun ay cheating.”

Muli namang sumundot ng tanong si Boy. Aniya, “Yeah but will you give him a second chance?”

Ayon kay Kyline, natuto na siya sa kaniyang past experiences kung kaya't kung sakali man na lokohin siya ng binatang aktor ay aminado siyang hindi niya ito kayang patawarin.

Aniya, “Sa mga napagdaanan ko po no'n Tito Boy, if I give him a second chance, if mag-cheat man siya and I know na hindi naman niya gagawin, ibig sabihin po noon hindi ako natuto sa mga pinagdaanan ko noon, so no.”

Inamin naman ni Kyline na nasa ligawan stage pa lamang sila ni Mavy at hindi naman nila minamadali ang kanilang relasyon.

Kuwento ng aktres, “Nandoon pa lang po kami sa courting stage and it might be cliche Tito Boy but we really taking things slow.”

Samantala, nagsimula na ngayong Lunes, June 12, ang bagong kilig series ng GMA Love At First Read na pinagbibidahan nina Mavy at Kyline.

SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA KYLINE AT MAVY SA GALLERY NA ITO: