
Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ngayong June 12, malaya na ring kiligin sa pagsisimula ng bagong Luv Is series ng GMA - ang TV adaptation ng hit Wattpad novel na Love At First Read.
Ang nasabing series ay pinagbibidahan ng Sparkle sweethearts na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara na gaganap bilang sina Kudos Pereseo at Angelica de Makapili.
Si Kudos ay isang kilabot na varsity ng Genesis Colleges pero sa likod ng pagiging maangas, siya pala ay isang hopeless romantic na searching sa kaniyang right girl. Habang si Angelica naman ay isang NBSB o no boyfriend since birth na K-pop at K-drama fan pero bitter sa love dahil sa traumatic experiences sa pag-ibig ng kaniyang ina.
Pero ang magkaibang mundo nina Kudos at Angelica ay paglalapitin ng isang diary.
Sa media conference ng Love At First Read nitong June 8, sinabi ni Kyline na sa kabila ng pressure na kanilang nararamdaman, kumpiyansa naman siya na magiging matagumpay ang first-ever Kapuso series nila ni Mavy as lead stars.
Aniya, “Sobra po 'yung kaba namin pero I am manifesting na magiging successful po ang 'Love At First Read' dahil napakaganda po ng cast, napakaganda po ng istorya namin, napakagaling po ng mga direktor namin, ng production, ng crew, ng writers namin, so no doubt.”
“Sana po maramdaman ng bawat Kapuso na manonood sa amin 'yung good vibes and 'yung kilig na nararamdaman ng buong cast on and off cam,” anang aktres.
Dagdag naman ni Mavy, “We're not afraid because I know we put up a beautiful show and it was an honor working with each and every one of you kaya alam ko na excitement lang 'yung nararamdaman ko because we have something beautiful that the Kapuso are going to see in the near future.”
Bukod sa MavLine, mapapanood din sa serye ang Sparkle stars na sina Therese Malvar, Marco Masa, Pam Prinster, Mariel Pamintuan, Bruce Roeland, Larkin Castor, Josh Ford, at Gueco twins na sina Vito at Kiel Gueco. Kasama pa ang seasoned actors na sina Jackie Lou Blanco, Jestoni Alarcon, at Maricar De Mesa.
Abangan ang Love At First Read mamayang 5:40 p.m. bago ang 24 Oras.
Panoorin ang full trailer ng Love At First Read sa video na ito:
SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES PHOTOS SA TAPING NG LOVE AT FIRST READ SA GALLERY NA ITO: