
Laking tuwa ng fans ang naganap na reunion ng La Diva, na binubuo nina Jonalyn Viray aka Jona, Aicelle Santos, at Maricris Garcia, noong Sabado, Pebrero 8, Zirkoh Comedy Bar sa Quezon City.
Higit pitong taon na kasi nang huling makitang magkakasama ang tatlong singers simula nang lisanin ni Jona ang grupo noong 2013.
Pero ang hindi alam ng karamihan, isang impromptu reunion pala ang gabing iyon.
Ang mini get-together ay para sa benefit concert ni former Protegé Season 1 finalist Lovely Embuscado.
Sa video na uploaded sa YouTube ni Jojo Gabinete, makikitang nasa entamblado si Jona kasama ang singer na si Jaya na nagho-host ng programa.
Humingi ng permiso ang host kung puwede raw bang lumabas sina Aicelle at Maricris sa stage para kumanta ang tatlo bilang La Diva.
Sagot naman ni Jona, “Yeah! Ladies and gentlemen, ang La Diva!
“Bago tayo kumanta, ito ulit 'yung pagkakataon na for how many years ay magsasama po ulit kami sa entablado.
“We'll try to sing the song na sobrang paboritong paborito naming kinakanta noon and very meaningful po ng mensahe ng kanta po nito.
“So, para po sa lahat ng nandito ngayon sana magustuhan niyo po. Very impromptu po ito. Walang rehearsal at all. I hope you appreciate this one.”
Sambit ni Aicelle, “Lovely [Embuscado] para sa iyo 'to.”
Kinanta nila ang awiting “Angels Brought Me Here,” ang 2003 hit song ni Guy Sebastian.
Kitang-kita rin ang pagka-stage mom ni Jaya na todo-suporta sa mini-reunion ng tatlong singers sa video.
Hindi rin nagpatalo si Lovely ng gabing 'yon dahil nag-perform rin siya ng kanyang rendition ng “Pangarap Ko Ang Ibigin Ka” ni Regine Velasquez.
FIRST LOOK: Aicelle Santos and Mark Zambrano are now married!