
Inilipad na pauwi sa Nigeria ang labi ni Divine Adili, isa sa mga nasawi sa “team building” ng Ateneo Blue Eagles sa Dipaculao, Aurora.
Bago ang pagdala kay Adili sa Nigeria, bumisita sa kanyang burol sa Arlington Memorial Chapel sa Quezon City ang kanyang mga kaibigan, teammates at mga opisyal ng Ateneo de Manila University.
Panoorin ang ulat ng Unang Hirit nitong Martes, June 23, para sa iba pang detalye.
Nasawi rin sa naganap na team building ng Ateneo Blue Eagles sa Dipaculao, Aurora ang tinaguriang Mr. MVP na si Rene Baterbonia na tubong Agusan del Sur.
Ang dalawang basketball players ay binawian ng buhay nitong June 8, 2026.
Samantala, ang mga labi ni Rene na kasalukuyang nasa Talacogon Evacuation Center ay nakatakdang ilibing bukas, June 24.
Patuloy na nananawagan ng hustisya ang pamilya, mga kaibigan, at ang sports community sa nangyari kina Baterbonia at Adili.
Related gallery: Balikan ang basketball journey nina Rene Baterbonia at Divine Adili