GMA Logo Wish Ko Lang
What's Hot

Lalaking iniwan ng asawa matapos ang pagkamatay ng anak, tinulungan ng 'Wish Ko Lang'

By Angelo Garcia
Published July 5, 2022 11:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Rising P-pop group 1st.One to hold Asia Tour in 2026
Complete list of winners at the MMFF Gabi ng Parangal
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Wish Ko Lang


Isang bagong simula ang hatid ng 'Wish Ko Lang' kay Darwin, isang amang nangungulila sa pagkawala ng anak.

Masakit pa rin para kay Darwin (Nikki Co) ang pagkamatay ng una niyang anak na si Baby James. Limang buwang gulang lamang ang anak ni Darwin nang mamatay ito dahil sa severe sepsis, aspiration pneumonia, at hypernatremic dehydration.

"Masakit po para sa akin dahil siya ang una kong anak. Masaya na sana ako dahil may anak na ako," sabi ni Darwin sa Wish Ko Lang.

Matapos ang pagkawala ng anak, tuluyan ding naghiwalay sina Darwin at kaniyang asawang si Michelle. Sa ngayon, nagtatrabaho bilang extra sa construction si Darwin kaya naman hirap din siya sa pang-araw-araw na gastusin.

At para matulungan si Darwin na makapagsimula muli, naghanda ng regalo ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales. Handog ng programa ang negosyo packages, safety gears, at iba pa.

Kasama sa negosyo packages ang bigasan business, groceries, Spanish sardines business, pasalubong business, home essential business, at dishwashing liquid and detergent powder business.

May handog ding safety gears ang programa para masigurong ligtas si Darwin sa kaniyang pinagtatrabahuan.

Bukod sa mga nabanggit, may regalo rin siyang home appliances, bills assistance, at online course program sa TESDA. Hindi rin mawawala ang tulong pinansyal ng programa para sa bagong simula ni Darwin.

Ipinakonsulta rin si Darwin ng Wish Ko lang sa isang espesyalista para matulungang makarekober sa pagkamatay ng anak.

Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

Samantala, tingnan ang top 10 most viewed episodes ng Wish Ko Lang sa gallery na ito: