
Tampok ngayong Sabado sa "Baby... muling nabuhay?" episode ng Wish Ko Lang ang misteryosong kuwento tungkol sa inilibing na sanggol na muli umanong nabuhay.
Gaganap na mga magulang ng nasabing sanggol sina Arra San Agustin at Nikki Co bilang sina Michelle at Darwin.
Makakasama rin nila sa episode na ito sina Via Veloso, Allan Paule, Geraldine Villamil, at Anton Amoncio.
Labis ang kalungkutang naramdaman ni Michelle nang mamatay ang kanyang sanggol. Kaya naman agad niya itong pinuntahan sa libingan nang malamang may nakarinig umano sa pag-iyak nito mula sa hukay.
Posible nga bang muling nabuhay ang namatay na anak nina Michelle at Darwin?
Huwag palampasin ang misteryosong kuwento na ito ngayong Sabado, July 2, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
Samantala, tingnan ang magagandang larawan ni Arra San Agustin sa gallery na ito: