GMA Logo lance carr
Courtesy: Nherz Alo (left), lance_justin_carrr on Instagram (right)
What's Hot

Lance Carr, nanghihinayang sa pagpanaw ni Rene Baterbonia

By Nherz Almo
Published July 17, 2026 10:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: July 17, 2026
Public urged to be aware of signs of possible landslides
Diabetes fair brings accessible health education and wellness closer to the community

Article Inside Page


Showbiz News

lance carr


Lance Carr on Rene Baterbonia: “Sobrang nasasayangan lang ako sa potential ng bata.”

Pinakanakakatakot na experience sa buhay daw ng binatang aktor na si Lance Carr ang muntik na niyang pagkalunod.

Sa ginanap na media conference ng upcoming movie na kinabibilangan niya, ang Rosario, natanong siya at mga kasamahan niya tungkol sa scariest experience nila.

“Muntik na akong malunod dati. I almost drowned, it was really scary,” sabi ni Lance.

Agad naman siyang tinanong kung nangyari ito sa basketball training.

“Hindi naman po, hindi naman basketball training.”

Bago kasi mag-artista, kilalang student athlete ng Ateneo de Davao University si Lance. Sa katunayan, naabutan pa raw niya ang mas batang student athlete na si Rene Baterbonia, na nalunod sa gitna ng training nila sa Dipaculao, Aurora.

Sa hiwalay na panayam ng GMANetwork.com, nagbalik-tanaw si Lance sa ilang mga encounter nila ni Rene sa campus.

Sabi pa niya, “Sobrang nasasayangan lang ako sa potential ng bata. He was really the pride of Davao region. Kahit hindi naman talaga siya taga-Davao Region, taga-CARAGA region siya, pero he wore the DAVRAA (Davao Regional Athletic Association) jersey with pride and he wore the Ateneo de Davao jersey with pride. Sobrang nanghihinayang lang po ako sa bata.”

Huling nakalaro ni Lance si Rene sa isang celebrity basketball game sa Kadayawan Festival sa Davao City noong 2025.

Ang 19-year-old student athlete ay kinilalang MVP sa Palarong Pambansa, kung saan naglaro siya para sa koponan ng Davao Region.

In Memoriam: Divine Adili and Rene Baterbonia's basketball journeys

Samantala, kinumusta ng GMANetwork.com kung ano ngayon ang mood ng mga student-athlete ng Ateneo de Davao.

Ayon kay Lance, nakikibalita lang din siya sa kanyang mga dating coach.

Sabay pahayag niya, “Knowing them, parang ang masasabi ko lang ay kailangan nilang tumuloy, e. It's not a reason for them to stop training, and it's not a reason for them to stop achieving their dreams.

“Yun din ang sinabi ni Rene sa DAVRAA, na parang: 'Heads up, heads up! Ang layo pa ng mararating natin.' I think, yun ang gusto ni Rene para sa team niya sa Ateneo de Davao.

“Of course, the mood is different. Parang sobrang legend na kasi niya sa Ateneo community. Knowing my coaches din, kailangan lang talaga nilang tumuloy sa laban nila.”

Dahil sa trahedyang nangyari kay Rene at kapwa niya student athlete na si Divine Adili, nagbigay ng paalala si Lance sa mga aspiring athletes na sasailalim sa training.

“Know your body and know your limit sa katawan mo. Di ko naman sinasabi na katulad ng nangyari sa Ateneo training sa Baler, pero… Just be honest to yourself and listen to your body, know when to recover, and learn when to come back kung galing kang injury.”

In-encourage din niya itong magpatuloy lang sa pag-abot ng kanilang pangarap.

“Never stop dreaming and never stop chasing your goals,” ani Lance.

“Nothing is really impossible. Kagaya ni Rene, he was just a small kid with a big dream. Isa rin ako sa mga ganun dati, na nangarap na makapaglaro sa PBA, NCAA… Basketball is just gonna be there. Pero if you really want to succeed in that sport, you really have to work five times as hard as anybody else.”

Sa ngayon, mas focused na si Lance sa kanyang showbiz career. Pero hindi pa rin daw niya isinasantabi ang kanyang hilig sa basketball.

Related gallery: Celebrities na, basketball player pa