GMA Logo Lani Misalucha and Aiai delas Alas
source: lanimisalucha (Instagram)
What's on TV

Lani Misalucha at Aiai delas Alas, nag-collab para sa isang TikTok dance video

By Jimboy Napoles
Published September 29, 2021 2:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Lani Misalucha and Aiai delas Alas


May sexy dance collab sina Lani Misalucha at Aiai delas Alas ilang araw bagong ang pagbabalik ng kanilang programa na 'The Clash.'

May collab na TikTok dance video ang The Clash judges na sina Lani Misalucha at Aiai delas Alas habang isinasayaw ang disco hit song na “Let's Groove” ng bandang Earth, Wind and Fire.

Ibinida ng dalawa ang kanilang sexy dance moves kasama pa ang iba nilang kaibigan backstage. Pero hindi lang isa, kungdi tatlo ang dance videos nila.

Ang dance cover na ito ay ipinost pa ni Lani sa kanyang instagram account.

“Sana hindi ito yung sanhi nung lindol the other night.” nakakatuwang caption ni Lani.

source lanimisalucha Instagram

Agad namang nag-reply dito si Aiai. Aniya, “Hahahahhaha tama mare.”

source lanimisalucha Instagram

A post shared by Lani Misalucha (@lanimisalucha)

Samantala, abangan ang world premiere ng bagong season ng The Clash sa Sabado, October 2, 7:15 pm sa GMA.

Kilalanin ang Top 30 ng The Clash Season 4 sa gallery na ito: