GMA Logo Lani Misalucha
What's Hot

Lani Misalucha, nagkaroon ng bacterial meningitis

By Jansen Ramos
Published December 26, 2020 10:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Lani Misalucha


Lani Misalucha sa pagkakaroon ng karamdaman: "Nagpapasalamat ako sa Panginoong Diyos dahil buhay ako." Read more:

Isa sa highlight ng The Clash Christmas Special: Pasko Para Sa Lahat noong Biyernes, December 25, ang appearance ng The Clash judge na si Lani Misalucha.

Sa unang pagkakataon, inilahad ng Asia's Nightingale ang kanyang naging karamdaman na dahilan ng pagkawala niya ng dalawang buwan sa third season ng GMA singing competition.

Ani Lani, nagkaroon siya at kanyang asawa ng bacterial meningitis o inflammation sa lining ng utak at ng spinal cord sanhi ng streptococcus suis, isang swine pathogen.

Pareho silang na-admit sa intensive care unit (ICU) ng ospital matapos makaramdam ng pananakit ng katawan.

Kuwento niya, "First ang husband ko ang pumasok sa ICU noong October 9.

"Saturday night, that's October 10, hindi na talaga maganda 'yung pakiramdam ko.

"Masakit ang buong katawan, parang pounding headache then dineretso na rin ako sa ICU."

Ayon pa kay Lani, ilang sintomas ng bacterial meningitis ang pagkahilo at pagkabingi, bagay na lubos na ikinalungkot ng batikang singer.

"Para kang nasa ilalim ng tubig so muffled talaga at saka high pitched.

"Hindi ko pa rin talaga ma-absorb ang nangyari.

"Alam mo 'yun na parang, okay, pa'no 'to singer ako? Kailangan ko ng pandinig ko.'

Tila gumuho ang mundo ni Lani dahil sa posibilidad na mahirapan siyang makakanta ulit dahil sa mahinang pandinig.

Emosyonal niyang sabi, "Parang sinabi ko na sa sarili ko na, okay, singing may not be for me anymore. I don't know.

"Yung feeling ko napaka-helpless ako and parang hopeless na rin.

"Parang wala kong makitang answer right now, e.

"Actually, nagse-search pa rin ako kung meron pala siyang ibang sagot.

"'Di lang natin nakikita kasi iba 'yung gusto nating sagot na matanggap.

"Sabi ko, okay lang kung ito 'yung binigay na challenge then I'll take the challenge."

Sa ngayon ay maayos na ang kalagayan ni Lani.

Sa katunayan, naghandog siya ng isang awitin sa mga manonood noong Kapaskuhan -- ang "O Holy Night."

Matapos ang kanyang production number, kinamusta siya ng kanyang kapwa The Clash judges na sina Aiai Delas Alas at Christian Bautista na hindi napigilang maluha.


Ani Lani, "Na-miss ko ang The Clash, na-miss kong mag-work, na-miss ko kayo 'cause, you know, you've been also good to me and, of course, you've been very, very wonderful.

"Nagpapasalamat ako sa Panginoong Diyos dahil buhay ako, buhay kaming mag-asawa."

Nagpasalamat din si Lani sa kanyang mga kaibigan, pamilya, at fans na nagdasal para sa kanyang mabilis na paggaling, at kay Pops Fernandez na humalili sa kanya bilang The Clash judge.

Sa paglalahad ni Lani ng kanyang karamdaman, nilinaw nito sa mga manonood na hindi COVID-19 ang tumama sa kanyang katawan.

Paliwanag niya, "Kung COVID-19 'yan, madali akong makakabalik dito.

"Ang nangyari lang po sa akin ay mas matindi sa COVID-19.

"Bingi po talaga ang nangyari sa 'kin sa right [ear] ko kaming mag-asawa at meron po kaming vestibular dysfunction so kailangan po namin ng alalay lagi."