GMA Logo Lani Misalucha
What's Hot

Lani Misalucha, nagpasalamat sa lahat ng nanood ng 'Together Again: A GMA Pinoy TV @17 Concert' sa U.S.

By Jimboy Napoles
Published October 3, 2022 4:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOE backs Marcos' call to amend EPIRA and remove systems loss charges
4 nabbed; alleged gold ore, P9M equipment seized in Surigao City
Grill, Fry, and Impress: The kitchen upgrade every home cook needs

Article Inside Page


Showbiz News

Lani Misalucha


Isang sold-out hit concert ang 'Together Again: A GMA Pinoy TV @17' na ginanap sa California, kamakailan.

Matagumpay ang naging concert ng Kapuso stars na sina Lani Misalucha, Aiai Delas Alas, Dingdong Dantes, Bea Alonzo, Julie Anne San Jose, at Rayver Cruz sa Amerika kamakailan sa ginanap na Together Again: A GMA Pinoy TV @17 Concert kung saan naghandog sila ng all-out performances para sa Filipino-American community doon.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng Asia's Nightingale na si Lani na lubos pa rin ang saya na kanyang nararamdaman matapos ang kanilang naging sold-out concert.

Aniya," Isang linggo na ang nakakaraan pero ang sarap pa rin ng pakiramdam na nakapag-perform kami sa marami nating mga kabababayan dito sa California at nakapagbigay ng kasiyahan kasama ang mga cool na cool at masarap katrabaho na sina Mareng @msaiaidelasalas @myjaps @rayvercruz @dongdantes at @beaalonzo."

Nagpasalamat din si Lani sa lahat ng mga Kapuso na sumuporta at nanood ng kanilang performances.

"Mga Kapuso, muli ay nagpapasalamat kami sa inyong mainit na pagsuporta sa back-to-back 'Together Again: A GMA Pinoy TV @ 17 Concert' natin sa Pechanga Resort Casino nitong weekend!," ani Lani.

Dagdag pa niya, "Samahan n'yo kami sa ating mga susunod na events dahil tayo ay #StrongerTogether! #GMAPinoyTV #GMASynergy."

Samantala, matatandaan na ilang araw bago ang nasabing concert ay agad munang nagpagaling si Lani matapos niya muling magkaroon ng shingles o chickenpox.

Ayon sa kanyang social media post, "Kung nagkaroon na tayo ng chicken pox nung bata pa tayo puwede siya umulit later in our life (in other words kapag MATANDA na) especially kung mababa ang resistensya o ang immune system ng katawan natin."

SILIPIN NAMAN ANG ILANG FASHIONABLE OOTD PHOTOS NI LANI MISALUCHA SA GALLERY NA ITO: