
Matapos ang puno ng matitinding eksena at nakakagulat na finale ng GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo, inamin ni Larkin Castor na naintriga rin siya sa naging ending ng serye.
Sa isang exclusive interview sa GMA Network.com, ibinahagi ng Sparkle artist ang kanyang hiling na magkaroon ng Season 2 ang drama series, tulad ng inaasam din ng maraming fans matapos ang finale nito.
"Ay ako, gusting-gusto ko din kasi naintriga rin ako sa ending. Actually, hindi ko nga alam 'yun, parang nagulat din ako. So, sana magka-Season 2 para mas makita pa natin sa characters. Kung mag-aaway din ba 'yung kambal, 'yung isang kambal ba magiging masama. Maraming pwedeng mangyari," sabi niya.
Marami rin sa viewers ang nagsabing nais pa nilang mas makilala ang karakter ni Larkin na si Spencer, na ipinakilala bilang matalik na kaibigan ni Marco, ang karakter ni Derrick Monasterio.
"Actually, ayun nga e. Mas gusto ko sanang mas makilala si Spencer, Kasi syempre, ang nangyari lang when I was acting, ako lang 'yung nagbigay internally kung anong background ng character ko para mas malagyan ko ng depth," bahagi ng aktor.
Dagdag pa ni Larkin, umaasa siyang maipakita ang backstory ng kanyang karakter kung magkakaroon man ng Season 2 ang serye.
Ipinalabas ang finale ng Apoy sa Dugo noong June 19 at umani ito ng positibong reaksyon mula sa viewers dahil sa matinding komprontasyon nina Elle Villanueva at Ashley Ortega, na nagtapos sa kanilang pagkakaayos bilang magkapatid sa kuwento.
Kasama rin sa cast ng serye sina Pinky Amador, Ricardo Cepeda, Patricia Coma, Cai Cortez, Fonzi, at Toniyuh.
RELATED GALLERY: Meet Kapuso hottie Larkin Castor, who played Hedrik in 'Sang'gre'