GMA Logo Lassy at Kalokalike ni Long Mejia
Source: GMA Network YT, It's Showtime
What's on TV

Lassy at 'Kalokalike' ni Long Mejia, bagong love team?

By Kristine Kang
Published September 16, 2024 5:08 PM PHT
Updated September 16, 2024 6:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Suansing urges Senate to resume bicam on 2026 budget as soon as possible
PBBM vows completion of San Juanico Bridge rehab by 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Lassy at Kalokalike ni Long Mejia


Madlang Kapuso, meet LongSy!

May nabuong bagong love team ang It's Showtime family sa inaabangang fun segment ng programa na "Kalokalike Face 4" nitong Lunes, September 16.

Nag-umpisa ang kanilang kulitan nang mapansin ni Vhong Navarro na kinilig daw si Lassy sa papogi moment ng Long Mejia ng Taytay, Rizal na si Ernesto.

"'Yung ginagawa mo na palapit sa TV, nai-in love sa iyo si Lassy," sabi ni Vhong habang tinuturo si Lassy.

"Ay, grabe! 'Pag itong dalawa nagkatuluyan, ayun na iyon. Katapusan na. Nilukob tayo ng kadiliman talaga," hirit ni Vice Ganda.

Marami ang natawa nang makita nila si Lassy na tila in love daw kay Ernesto. May pangiti at pakislap-kislap pa ito ng mata. Naging pabebe pa ang comedian na tila gandang ganda ito sa sarili habang kinikilig.

"Ang ganda ni Lassy, no? Nagagandahan ka kay Lassy?" tanong ni Vice kay Ernesto.

"Oo naman," medyo mahiyang sagot ng impersonator.

"Kumakain ka ng pudding?" biglang tanong ni Vice na tinawanan ng Kapuso audience.

"Kasi iyon 'yung magpapasaya sa kanya, kapag binilan mo ng pudding iyan. Favorite kasi niya iyon, 'di ba?" paliwanag ni Vice.

"Tira-tira na tinapay iyon 'di ba? Pero masarap!" depensa naman ni Lassy.

Naghiyawan ang Kapuso audience nang ginawan na ng It's Showtime hosts ng pangalan ang love team nina Lassy at Long impersonator.

"Long [at] Lassy, LongSy?" biro ni Jhong Hilario.

"Long [at] Lassy parang a long and 'lassy' long," dagdag ni Vice.

Maraming nakulitan kay Ernesto nang nagpakilig ito kay Lassy katulad ng pagkindat at ngiti sa comedian. Napangiti rin ang lahat sa studio nang tanungin ni Vice ang impersonator kung ano ang kanyang mensahe kay Lassy kapag nagparamdam ito sa kanya ng pagmamahal.

Pero ang ngiti ay napalitan ng halakhak nang sinagot ni Ernesto, "Lassy, pahingi pera."

"Grabe, jowa mo ganito pero kwinartahan ka," reaksyon ni Vice.

Isa si Ernesto sa pinag-usapan ng online netizens sa social media, lalo na sa X (dating Twitter). Dahil sa mga komento ng madlang onliners, ang opisyal na hashtag #ShowtimeKalokaAngSaya ay nag-trend sa platform.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Samantala, balikan ang mga naging trending na "Kalokalike Face 4" contestants sa gallery na ito: