
"Kalokalike."
Ito ang hatol ng It's Showtime viewers and fans nang napanood si Derwin Rodriguez na taga-Palawan na "kalokalike" ng comedian na si Lassy, o Reginald Marquez sa totoong buhay.
Kahit si Lassy nagulat sa pagkakahawig nila ng contestant.
Sa panayam ni Vice Ganda sa "Kalokalike" contestant, ibinahagi nito ang pakiramdam niya kapag sinasabihan siya kamukha niya ang It's Showtime comedian.
Lahad niya, “Simula nung sinabi nila na kamukha ko raw, sinearch ko na. Sabi, kamukha si Lassy, hindi ko kilala si Lassy dati, e. Nung sinearch ko, tapos na-inspire ako sa kuwento ng buhay niya. Parang ang sarap niya ng mahalin.”
Hindi rin daw niya pinapansin ang ilan sa mga tao sa tuwing bina-bash dahil sa hitsura niya.
Paliwanag nito, “May mga basher naman talaga na hindi mo maiiwasan. Parang minsan ang sakit lang, parang unfair. Pero iniisip ko na lang 'yung mga tao na may ganito rin, pero 'yung mga buhay ang gaganda. Mabait, nabubuhay ng masaya.”
Sa huli, si Derwin ang itinanghal na winner this Friday at tinalo niya ang co-contestants niya na sina Khyle at Harold.
Tuwang-tuwa naman ang fans sa social media site na X (dating Twitter) na 'tila may kakambal si Lassy.
#KalokalikeFace4 contestant#3: LASSY
-- JM Carcoochie (@jmcarcoochie) September 13, 2024
NAKO, @akosiLASSY, nakahanap ka na ng katapat mo! HAHAHAHAHA! MAY NANALO NA TODAY! 🤣🤣🤣#ShowtimeFlashbackFriday@itsShowtimeNa 💙💛🫶🏻🌈✨ pic.twitter.com/c1W53QV8bQ
May nanalo na HAHAHAHAH LAROOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO lassy!!!! #ShowtimeFlashbackFriday
-- d🦄💕 : RT BOT (@donnanananaxoxo) September 13, 2024
omg kamukha to ni lassy hahahahaha#ShowtimeFlashbackFriday
-- devert (@deeeeeeev_18) September 13, 2024
Panalo na Lassy! #ShowtimeFlashbackFriday
-- ACEofHearts 🗑️ (@ACEsFlush082021) September 13, 2024
HAHAHAHA LASSY KALOKALIKE FTW 😂😂😂 #ShowtimeFlashbackFriday pic.twitter.com/qCBv6vEXOJ
-- j o y (@JemiaJoy) September 13, 2024
Kung may Lassy kalokalike na, gusto kong abangan yung kalokalike ni MC hahaha#ShowtimeFlashbackFriday
-- 𝐃𝐚𝐧𝐢𝐞𝐥 𝐘𝐚𝐩 (@_danielyap) September 13, 2024
RELATED CONTENT: KALOKALIKE FACE 4 CONTESTANTS