GMA Logo Jillian Ward
Courtesy: jillian (IG)
What's Hot

Latest picture ni Jillian Ward, muling nag-trending sa social media

By EJ Chua
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated December 27, 2022 7:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Certified social media star nga talaga ang 'Abot-Kamay Na Pangarap' lead star na si Jillian Ward!

Isa sa most followed celebrities ngayon sa social media ay ang Abot-Kamay Na Pangarap lead star na si Jillian Ward.

Kamakailan lang, nagpalit ng profile picture si Jillian sa kaniyang official Facebook account.

Makikita sa larawan na nakasuot ang teen star ng isang black jersey sando habang naka-pose ito sa harapan ng isa sa kaniyang luxury cars.

Sa kasalukuyan, ang bagong profile ng aktres ay mayroon ng 268, 000 likes, 10,000 comments, at 3,300 shares sa Facebook.

Bukod pa rito, nang i-upload niya ito sa kaniyang Instagram ay humakot din ito ng daan-daang libong likes mula sa kaniyang fans at followers.

Isang post na ibinahagi ni Jillian Ward (@jillian)

Ilang buwan lamang ang nakalipas, nadagdagan ng 200,000 ang followers ng former Prima Donnas star sa Instagram.

Sa kasalukuyan, mayroon na siyang 3.7 million followers sa Instagram, 16 million followers sa Facebook, at 5 million followers sa video-sharing app na TikTok.

Napapanood si Jillian sa hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap bilang ang genius at pinakabatang doktor sa bansa na si Dra. Analyn Santos.

Kasama niya rito si Carmina Villarroel at iba pang mahuhusay na aktor sa larangan ng show business.

SAMANTALA SILIPIN ANG JAW-DROPPING LOOKS NI JILLIAN WARD SA GALLERY SA IBABA: