GMA Logo Lauren Young at Sunshine Garcia
Photo by: Wish Ko Lang
What's Hot

Lauren Young at Sunshine Garcia, lumaki ang alitan dahil sa away-bata sa 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published October 6, 2022 5:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang aso, nakaranas ng kalupitan
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Lauren Young at Sunshine Garcia


Ang away-bata, nauwi sa away ng mga matatanda! Abangan sina Lauren Young, Sunshine Garcia, at Rico Barrera sa 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado sa GMA.

Tampok ngayong Sabado sa "Away-Bata" episode ng Wish ko Lang ang kuwento ng away ng mga bata na nauwi sa malaking alitan ng mga matatanda.

Simula pa lamang ay ayaw na ni Virna (Sunshine Garcia) na nakikipaglaro ang anak na si Wilbert (Raphael Landicho) sa mga anak ni Janice (Lauren Young) na sina Ronnie (Euwenn Aleta) at Jenjen (Arhia Faye). Minsan na ring nasaktan ni Virna ang dalawang anak ni Janice nang mapaaway ang anak na si Wilbert sa mga ito, na nagpalaki ng alitan ng dalawang matanda.

Galit din si Virna kay Janice dahil iniisip niyang inaakit nito ang asawang si Felix (Rico Barrera), na dati nang naging magkasintahan noong nasa high school pa lamang ang mga ito.

Huwag palampasin ang "Away-Bata" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, October 8, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

MAS KILALANIN SI LAUREN YOUNG SA GALLERY NA ITO: