GMA Logo Leandro Baldemor, Mercedes Cabral on Fast Talk with Boy Abunda
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Leandro Baldemor, Mercedes Cabral sa pagtawid mula sexy to serious roles: 'It's hard work'

By Kristian Eric Javier
Published October 7, 2025 1:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend Livestream: July 26, 2026
Global bartending champion Felice Capasso shares the secret to a world-class cocktail
Farm to Table: Ihawan festival with Hershey Neri, Sugar Mercado, and Robb Guinto

Article Inside Page


Showbiz News

Leandro Baldemor, Mercedes Cabral on Fast Talk with Boy Abunda


Pinagsikapan nina Leandro Baldemor at Mercedes Cabral ang kanilang pagtawid mula sa pagiging sexy stars papuntang serious actors. Alamin ang kanilang kuwento dito.

Hindi naging madali para sa Hating Kapatid stars na sina Leandro Baldemor at Mercedes Cabral ang tumawid mula sa pagiging sexy star papunta sa serious acting. Sa katunayan, matinding pagsisikap din umano ang ginawa nila para sa pagbabagong ito.

Sa pagbisita nina Leandro at Mercedes sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, October 6, kinamusta ni King of Talk Boy Abunda ang karera ng dalawang aktor bilang sexy stars. Pag-amin ng dalawa, nagkaroon din sila ng regrets sa napiling karera, lalo na noong nagsisimula pa lang sila.

“I guess may mga pelikula na may mga regrets. Meron naman, I think it's normal, especially when you're starting as an actor kasi hindi mo pa alam, well ako, personally, hindi ko pa kasi alam kung paano mamili, paano i-navigate itong bagong mundong ito sa akin before,” sabi ni Mercedes.

Dagdag naman ni Leandro, dahil bata pa siya noon ay in-enjoy lang niya ang ginagawa, lalo na at may mga limitasyon naman sa kanilang pagpapa-sexy.

“'Yung nakapirma kami sa Seiko Films, hanggang dito lang, hanggang diyan lang, pictorial namin, hanggang diyan lang. 'Yung exposure. Klaro po 'yun, pinag-uusapan,” sabi ni Leandro.

ALAMIN KUNG NASAAN NA NGAYON ANG '90S SEXY STARS NOON SA GALLERY NA ITO:

Mula sa pagpapa-sexy ay unti-unti na ring nagkaroon ng serious roles sina Leandro at Mercedes. At nang tanungin sila ng batikang host kung kamusta ang karanasan nila sa pagtawid mula sexy to serious roles, inamin ng dalawang aktor na hindi iyon naging madali.

“It's hard work, it's hard work. It's hard, yes, and kailangan mong i-prove talaga sa tao kung ano 'yung kapasidad mo bilang aktor, e, para mas malagpasan 'yung unang tingin nila sa'yo,” sabi ni Mercedes.

Ibinahagi naman ni Leandro ang sinabi sa kanya noon ng manager. Dahil simula pa lang ay sexy star na siya, pinayuhan siya nito na 'wag nang lumabas, mag-club, o gumimik kapag may libreng oras.

“Diyan ka na lang sa bahay kasi du'n pa lang, magsisimula ka nang respetuhin. Du'n po ako nagsimula, tapos nag-workshop na ako, hindi pupuwedeng diyan ka na,” sabi ng aktor.

Panoorin ang panayam kina Leandro at Mercedes dito: