What's Hot

Learn more about the Master Showman

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 23, 2020 4:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Study shows human rights concerns still present in PHL
Alex Eala gets wildcard spot in Berlin Tennis Open
Nigerian embassy releases statement on the death of Divine Adili

Article Inside Page


Showbiz News



In celebration of German "Kuya Germs" Moreno's 50th anniversary in showbiz, here are some interesting facts about the Master Showman.

In celebration of German "Kuya Germs" Moreno's 50th anniversary in showbiz, here are some interesting facts about the Master Showman.
 
Alam niyo ba na si Kuya Germs as naging Direk Germs din di lang sa pelikula kundi pati na sa telebisyon? Naging director si Kuya Germs ng show ng kaibigan niyang si Ike Lozada na Ike’s Movie Go Round.
 
Bago namayagpag sa TV, unang nagbunga ng maganda ang pagsisikap ni Kuya Germs sa radio.  Binigyan sya ng DZBB ng kanyang unang solo radio program, Ang Todo Todo Con Linggo na dinadayo ng mga sikat na celebrities sa showbiz.
 
Maituturing iginuhit ng tadhana ang pagpasok ni Kuya Germs sa pelikula. Dinadalaw lang ni Kuya Germs noon ang aktres na si Rita Gomez para aluking lumabas sa Clover nang nagkataong nandun din ang actress-director na si Rosa Mia. Ang resulta: Ang pagkakasama niya sa pelikulang Susan, Susay, Susie kasama si Susan Roces!
 
Nabago ang landscape ng afternoon TV viewing nang binuo ni Kuya Germs ang That's Entertainment, which first aired on January 6, 1986. Sa sampung taon nitong pamamayagpag sa telebisyon ay marami itong napasikat at nahasang young stars, kabilang sina Lea Salonga, Donita Rose, Judy Ann Santos, Billy Crawford, Romnick Sarmenta, Manilyn Reynes, at Francis Magalona. Magpasahanggang ngayon ay itinuturing ito bilang isa sa mga pinakasikat na musical-variety program sa kasaysayan ng local TV.
 
Abangan ang TV special on Kuya Germs' 50th anniversary in showbiz, soon on GMA. -- Michelle Caligan, GMANetwork.com