
Break muna sa taping ang lead stars ng upcoming GMA Telebabad series na Legal Wives para sumama sa chikahan sa Kapuso ArtisTambayan na ginanap ngayong araw, June 8.
Present sina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Andrea Torres at Bianca Umali na kasalukuyang nasa set ng serye sa Laguna, pati na si Alice Dixson na sumama din remotely.
Ang Legal Wives ay tungkol sa isang kakaibang pamilya kung saan pakakasalan ng isang lalaking Mranaw ang tatlong magkakaibang babae para sa iba't ibang dahilan.
Isa sa mga nagpag-usapan ang mga natutunan nila sa pagganap sa mga karakter nilang bahagi ng kultura na malayo sa kinagisnan nila.
Para ka Alice, isang new experience ang makatikim ng pagkaing Mranaw.
"'Yung mga foods nila, sobrang spicy! May mga food doon na talagang sobrang spicy. It's just a little amount, ilalagay mo lang sa food mo pero 'pag natikman mo, wow! Talagang you're gonna drink all of the water on the table. Ganoon ka spicy!" kuwento niya.
Higit pa dito, marami din daw siyang natutunan tungkol sa mga Muslim na malayo sa mga nakagisnang stereotypes.
"Kasi ang isip ng mga tao lots of Muslims are terorista or nananakit. But they're actually a very loving, God-fearing people. Most of the time, they're misunderstood. They have the same feelings that we have. They have the same goals and desires in their lives. They have strong family bonds," lahad ni Alice.
Sa tingin daw niya, magandang paraan ang show para makita ang pagkakatulad ng mga Pilipino, kahit saang bahagi ng bansa ka man galing.
"Magandang paraan itong TV show na ito para ipakita kung ano 'yung differences, at kung ano din 'yung likenesses natin as Filipinos. Para naman magkaisa din tayo and there's no more fighting, there's no more misunderstanding kasi parepareho naman 'yung gusto natin for our children. Magkaiba lang talaga tayo ng religion but that shouldn't be something negative," aniya.
Sangayon naman sa sentimiyentong ito si Dennis.
"Nalaman ko dito at maipapaktia ng show na ito na maraming mga sterotypes tungkol sa Muslim at Islam 'yung mababasag dito. Marami sa kanila ang misunderstood, hindi naiintidihan. 'Yung mga tao, kasi natatakot sila doon sa hindi nila naiintindihan," bahagi ni Dennis.
"Itong show na 'to, magandang vehicle para maipaliwanag sa kanila, maipakita 'yung side ng Islam, ng mga Mranaw at ng mga kapatid nating Muslim na sila ay peaceful na tao, submissive to Allah, mapagmahal sila sa kanilang mga pamilya, makulay ang kultura. Lahat 'yun makikita niyo sa palabas na ito," dagdag pa niya.
Huwag palampasin ang world premiere ng Legal Wives, June 21 pagkatapos ng First Yaya sa GMA Telebabad.
Samantala, panoorin ang Kapuso ArtisTambayan ng Legal Wives stars dito: