GMA Logo Waynona Collings, Lella Ford
Courtesy: waynonacollings (IG), carmellaford_ (IG)
What's Hot

Lella Ford, pinaka naapektuhan sa paglabas ni Waynona Collings sa Bahay Ni Kuya?

By EJ Chua
Published November 17, 2025 11:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Nathan Egea, Letran Squires oust EAC to reach Juniors basketball finals
'Wilma' weakens into LPA near Cataingan, Masbate
XG's Cocona undergoes top surgery, comes out as AFAB transmasculine non-binary

Article Inside Page


Showbiz News

Waynona Collings, Lella Ford


'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0' housemate Lella Ford kay Waynona Collings: You're the perfect example ng best friend.”

Pinag-uusapan online ang ilang housemate moments ng Sparkle star na si Waynona Collings sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Ito ay matapos siyang ma-evict sa Bahay Ni Kuya kasabay ng Star Magic artist na si Reich Alim.

Sa ilang video edits, na-highlight ang mga pahayag ni Lella Ford tungkol sa pagiging best friend material ni Waynona.

Napanood sa isang episode ang sinabi ni Lella na si Waynona ang pinaka close niya sa Kapuso girl housemates. Kasunod nito, seryoso niyang inilarawan ang Sparkle star.

“You're the perfect example ng best friend. 'Yung kapag… anong klaseng best friend ang gusto mo? Someone like Waynona.”

Sa naganap na first eviction night, si Lella ang pinakaunang lumapit kay Waynona, matapos ianunsyo ng PBB host na si Bianca Gonzalez na si Waynona ang isa sa mga lalabas na ng Bahay Ni Kuya.

Nakatanggap ang Sparkle star ng mahigpit na yakap mula sa Star Magic artist at kasunod nito ay bumuhos na ang mabigat na emosyon ng iba pang housemate.

Abangan ang susunod na updates tungkol sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:25 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..

*Related gallery: 'Meet the 20 housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'