
Ang Kapamilya ex-housemate na si Lella Ford ay nakilala sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 bilang Blooming Bunso ng Tacloban.
Si Lella ang bunsong anak ni Karla Estrada at nakababatang kapatid ng kilalang aktor na si Daniel Padilla.
Bukod kay Daniel, mayroon pang nakatatandang kapatid ang ex-housemate- sina Jose Carlito at Magui.
Sa kanyang pagbisita sa Unang Hirit nitong Martes, March 10, sinagot ni Lella ang tanong ng UH Barkada kung ano ang reaksyon ng kanyang mga Kuya at pamilya sa mga isini-ship sa kanya na naging housemates niya sa Bahay Ni Kuya.
“Lagot po… hindi naman. Kuyas ko po, they're very protective of me. At the end of the day, kilala naman nila ako and they trust me. They just want me to be happy and focus po sa career,” pagbabahagi ni Lella.
Ayon pa sa kanya, very supportive ang kanyang pamilya kabilang na ang kanyang mga Kuya.
“Yung brothers ko, kahit na medyo protective sila, sinusuportahan pa rin nila ako… Now that I turned 20, they just really support me,” sabi niya.
Kasunod nito, inilahad ni Lella ang reaksyon niya sa pag-ship sa kanya ng viewers at fans kina Joaquin Arce at Iñigo Jose.
*Related gallery: Meet the fan-favorite ships in Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0
“Hindi ko talaga inexpect 'yun nung nasa loob ako ng Bahay [ni Kuya]. I'm so happy kasi nakita nila 'yun… Kita nila 'yung genuine connections and relationships na nabuo sa house,” sabi niya.
Courtesy: Unang Hirit, GMA Public Affairs
Si Lella ang itinanghal na Kapamilya Big Winner sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, habang si Caprice Cayetano naman ang nag-uwi ng titulo na Kapuso Big Winner.