
Nitong July 7, idinaos ang ikapitong Entertainment Editor's Choice o EDDYS ng Society of the Philippine Entertainment Editors o SPEEd.
Ilan sa mga nakatanggap ng parangal sa EDDYS ay ang ilang veteran actors sa Philippine entertainment industry.
Kabilang na rito ang former Abot-Kamay Na Pangarap actor na si Leo Martinez.
Ang actor-comedian na si Leo ay isa sa Movie Icon Awardees.
Sa latest Instagram post ni Leo, ipinaabot niya ang kanyang pasasalamat sa lahat ng bumubuo ng award-giving body.
Sulat niya sa caption ng kanyang post, “Maraming Salamat SPEEd and EDDYS sa parangal na ito.”
“Para ito sa pamilya ko, sa mga katrabaho ko sa showbiz mula sa cast hanggang crew, at sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa mga palabas namin sa telebisyon at sa pelikulang Pilipino,” dagdag pa niya.
Bukod kay Leo, nakatanggap din ng parehas na award si Lito Lapid.
Ang naturang parangal ay iginawad din sa veteran actresses na sina Eva Darren, Gina Alajar, at Nova Villa.
Congratulations, Leo at sa iyong fellow veteran actors!
Related Gallery: Marian Rivera, Dingdong Dantes, and Alden Richards win at 7th
Entertainment Editor's Choice