
Isa sa mga kilalang beteranong aktor at direktor sa showbiz ang award-winning na si Leo Martinez. Marami siyang pinahanga sa kanyang pag-arte sa mga palabas sa TV at pelikula. Hanggang ngayon, nagbibigay pa rin siya ng inspirasyon sa mga baguhang artista gamit ang kanyang sinimulang acting workshops kung saan tinuturuan siya mismo ang nagtuturo.
Subalit sa kabila ng kasikatan at suporta na natatanggap niya, may mga bagay sa buhay ni Leo na aminado siyang nagkamali siya at tanggap niya ito. Ito ang naging paksa ng kanyang interview kay Morly Alinio.
Sa tuwing binabanggit niya kung ilan ang kanyang mga anak, madalas niyang sinasabi, "two, one, three." Ibig sabihin, dalawa sa kanyang unang partner, isang kay Cherie Gil, at tatlo naman kay Gina Valenciano. Paliwanag niya, "Sabihin mo na agad ang totoo ang dami ko ng kasalanan. Ayoko maging hipokrito."
Hindi na niya pinaliwanag pa ang mga detalye dahil pinaubaya niya ang lahat ng kanyang kasalanan sa Diyos. Sa tuwing siya'y nagkakasala, sinisiguro raw niyang humingi ng tawad at matutunan huwag ulitin ito.
"Aba! Eh kailangan mag-sorry ka sa kasalanan mo. Hindi ako naniniwala na mapaparusahan. I am an optimist, hindi ako naniniwala mag-e-end of the world. Napakakitid naman kung Diyos iyon. Gugunawin mo sa isang [pitik], hindi," paliwanang niya.
Sa ngayon, masaya si Leo bilang lolo ng kanyang mga apo. Ika rin niya na natutunan na niya mabuhay ng kontento pagkatapos ng lahat na pinagdaanan niya.
"Masaya [ako] because I have learned, whatever state I am, to be content," sabi niya.
Samantala, balikan ang kwento ng kanyang buhay sa gallery na ito: