
Sinabi ng batikang actor-director na si Leo Martinez na nagpatuloy ang pagiging magkaibigan nila ng yumaong si Cherie Gil kahit pa nagtapos na ang kanilang relasyon.
Kuwento ni Leo sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan, maging ang kaniyang asawa na si Gina Valenciano ay close sa pumanaw na aktres.
“Close na close kami. Even Gina and Cherie are close,” ani Leo.
Ayon pa sa aktor, lumaki ang kaniyang mga anak na malapit sa isa't isa.
Aniya, “Tsaka 'yung mga anak ko, they grew up na magkakapatid sila.”
Dagdag pa ni Leo, “2-1-3” ang kaniyang isinasagot sa tuwing tinatanong kung ilan ang kaniyang anak.
Paliwanag niya, “Two, one, three - Dalawa sa una, isa kay Cherie, [tatlo kay Gina] kasi makasalanan na nga ako. Ayoko nang dagdagan 'yon, maging hipokrito pa.”
Si Jay Eigenmann ang naging anak nina Leo at Cherie.
Noong 2022 pumanaw si Cherie, isang taon matapos siyang ma-diagnose ng endometrial cancer.
RELATED GALLERY: TRIVIA: The beautiful legacy of the brilliant Cherie Gil