
Isang nakakaaliw na video ang ibinahagi ni Kapuso actress Lexi Gonzales sa kanyang Instagram account.
Kuha nila ito ng kanyang kaibigan at kapwa Kapuso star na si Buboy Villar kung saan susubukan nila ang trending food item na Ilocos empanada.
Tila hindi naman magkasundo ang dalawa sa takbo ng kanilang joint food review.
Sa unang take, masyadong maagang nailabas ni Lexi ang empanada kaya pinaulit ni Buboy ang kanilang introduction.
Hindi naman nakatingin sa camera si Lexi sa pangalawang take kaya inulit na naman nila ang sasabihin.
Kasunod nito, maaga na namang ni-reveal ni Lexi ang empanada.
"Gutom na gutom na 'ko. Hindi natin natatapos 'yung content!" sambit ni Buboy.
Sinubukan nila muling sabihin ang linya pero napangunahan ng tawa si Lexi.
"Dapat 'yan masabi mo na bago tawa eh," muling pagsaway ni Buboy.
Sa wakas, nagawa na nila nang maayos ang introduction at natikman na ang empanada.
"Akala ko content lang to? Bakit parang masisira pa friendship natin @buboyvillar," sulat ni Lexi sa caption ng kanyang post.
Samantala, nakatakdang maging bahagi sina Lexi at Buboy ng upcoming action-drama series na Firewall. Makakasama nila rito sina Kylie Padilla, Kyline Alcantara, Jak Roberto, at Miguel Tanfelix.
Sama-sama silang sumabak sa training para sa gun handling and safety, pati na practical and tactical shooting para paghandaan ang kanilang roles.
Abangan ang pinaghahandaang nilang serye, soon on GMA!