GMA Logo Lexi Gonzales at Cheska Fausto
Source: thatscheskaaa/IG, lalexigonzales/IG
What's on TV

Lexi Gonzales at Cheska Fausto, umaming naging distraction ang love life sa showbiz career

By Kristian Eric Javier
Published July 1, 2026 1:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos highlights 'sustained investment' in PAF at 79th founding anniversary
Boy in Pangasinan dies after falling onto tractor blade
PH extends visa-free privilege for Taiwan passport holders

Article Inside Page


Showbiz News

Lexi Gonzales at Cheska Fausto


From inspiration to distraction, alamin ang saloobin nina Lexi Gonzales at Cheska Fausto sa pagkakaroon ng love life.

Kadalasan, ang love life ay nagsisilbing inspirasyon para sa marami. Ngunit para sa Taskforce Firewall stars na sina Lexi Gonzales at Cheska Fausto, may mga pagkakataon din na nagiging distraction ito.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, June 30, sinabi ni Lexi na dahil likas na emosyonal ang mga aktor at ginagamit nila ito sa kanilang trabaho, nagiging malaking distraction ang pagkakaroon ng love life sa kanila.

“Ang hirap nga naman ang [magtrabaho] nang magkaaway kayo, 'yung mga gano'n,” sabi ni Lexi.


Dagdag pa ng aktres, “For example, may maka-work siya, for example na pinagseselosan ko, that would also be awkward on her part.”

Samantala, isang firm believer naman umano si Cheska na dapat ang boyfriend niya ay hindi magiging dahilan ng distraction para sa kaniyang trabaho.

“Hindi talaga kasi 'yun 'yung gusto kong gawin, e. So who are you to stop me or meddle with what I'm doing with my career,” sabi ni Cheska.

Inamin din ni Cheska na single siya ngayon by choice, at sinabing hindi siya naghihintay o naghahanap ng magiging partner.

“It's a choice kasi now that I'm single, na-e-enjoy ko siya, sobra, Tito Boy. I get to focus on growing, knowing myself even more, and kumbaga, matatag 'yung faith ko,” sabi ng aktres.

ALAMIN ANG MGA HAMON NA HINARAP NINA CHESKA AT LEXI SA 'TASKFORCE FIREWALL' SA GALLERY NA ITO:

Dagdag pa niya, umabot na siya sa puntong sinasabi niya sa kaniyang ina na okay na siyang maging single lang. Nilinaw naman ni Cheska na hindi niya isinasara ang pinto sa pagkakaroon ng karelasyon sa hinaharap, pero sa ngayon, okay pa naman siya mag-isa.

Gaya ni Cheska, single at happy din ngayon si Lexi, “I'm happy being single. I'm happy being single, I'm okay being single, I'm enjoying life on a different perspective now.”


Panoorin ang panayam kina Lexi at Cheska dito: