
Sina Kapuso stars Lexi Gonzales at Matt Lozano ang bibida sa brand-new episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Magtatambal sila sa episode na pinamagatang "Heavy Hearts."
Si Lexi ay si Princess habang si Matt naman ay si Ian.
Pareho silang plus-sized dati, hanggang sinimulan ni Princess ang kanyang fitness journey sa suporta ni Ian.
Magkakaroon ng malaking transformation si Princess habang medyo mabagal naman ang progreso ni Ian.
Kasabay rin ng pagbabawas ng timbang ni Princess, mag-iiba rin ang ugali at pakikitungo niya sa boyfriend.
Mararamdaman ni Ian na wala na siyang space sa buhay ng girlfriend kaya magkukusa na siyang lumayo rito.
Ganito ba talaga matatapos ang relationship nina Princess at Ian?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Heavy Hearts," September 13, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.