GMA Logo Lexi Gonzales Elijah Alejo Hailey Mendes
What's Hot

Lexi Gonzales, Elijah Alejo, Hailey Mendes, may payo sa kabataan tungkol sa paggamit ng social media

By Dianne Mariano
Published January 17, 2023 2:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Lexi Gonzales Elijah Alejo Hailey Mendes


Alamin ang mga mahahalagang tip nina 'Underage' stars Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes para sa mga kabataan tungkol sa tamang paggamit ng social media DITO.

Mapapanood na tuwing hapon ang pinakabagong drama series na Underage na pinagbibidahan nina Kapuso stars Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes.

Ang kuwento ng modern version ng naturang coming of age series ay tungkol sa simple at masayang pamilya na magbabago ang buhay dahil sa pagkalat ng isang video sa social media ng magkakapatid na sina Celine (Lexi), Chynna (Elijah), at Carrie (Hailey).

Sa panayam ng GMANetwork.com sa tatlong aktres sa naganap na online media conference ng serye kamakailan, ibinahagi nila ang ilang tips para sa kabataan tungkol sa wastong paggamit ng social media ngayon.

“Think before you click,” iyan ang payo ng StarStruck Season 7 First Princess na si Lexi. Aniya, “Maging mapanuri tayo. Tingnan muna natin kung tama ba 'yung shine-share natin. Let us be responsible netizens.”

Ayon naman kay Elijah, dapat maging mapanuri ang mga tao sa kanilang mga nakikita sa social media.

Paalala niya, “Check n'yo po muna if totoo kasi ang dami po sa atin ngayon na nagco-comment na lang basta basta because of a picture. Minsan nga po, hindi na po binubuksan ng iba 'yung website, kung ano na lang po 'yung nakikita nila sa headlines, titles, doon na po sila magre-react agad and mambaba-bash na po sila, ija-judge na po nila 'yung pagkatao ng isang personality just because of that certain article, video, photo.

“So iwasan po natin 'yung gano'n kasi 'yung iba po hindi po masyadong strong when it comes to situations like that.”

Para naman kay Hailey, dapat ay maging maingat ang netizens sa kanilang mga ibinabahagi online.

“Huwag pong maniwala agad sa kung anu-anong balita at saka mag-ingat po sa mga ipo-post natin. Kasi kahit ano naman pong gawin natin, may masasabi po talaga ang mga tao. Kaya just do you lang po, maging masaya ka lang," saad niya.

Subaybayan ang Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via livestream sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG UNDERAGE PICTORIAL SA GALLERY NA ITO.