GMA Logo lexi gonzales
Source: lalexigonzales/IG
Celebrity Life

Lexi Gonzales, emosyunal nang ikuwento ang developments ng kapatid na may special needs

By Dianne Mariano
Published January 25, 2023 3:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Eman Pacquiao, naghahanda sa pagsasanay para sa kaniyang laban sa Pebrero 2026
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

lexi gonzales


Ayon kay 'Underage' star Lexi Gonzales, isa sa mga rason kung bakit siya sumali sa 'StarStruck' ay para matulungan ang kanyang kapatid na mayroong autism.

Hindi napigilang maging emosyunal ni Sparkle actress Lexi Gonzales nang ikuwento niya sa latest episode ng Updated with Nelson Canlas podcast ang developments tungkol sa kanyang lalaking kapatid na mayroong special needs.

Matatandaang ibinahagi ni Lexi noon na isa sa mga rason kung bakit siya sumali sa seventh season ng StarStruck ay para matulungan ang kanyang kapatid na mayroong autism.

Ayon sa StarStruck Season 7 First Princess, nag-aaral na ang kanyang kapatid ngayon at naibibigay na rin niya ang mga pangangailangan nito.

Aniya, “Now he's studying. Nabibigay na namin lahat ng needs niya, OT therapy, and other than that, siyempre, 'yung wants din niya.”

Kuwento ni Lexi, patuloy siyang nagpursigi sa trabaho para makatulong sa gastusin para sa kanyang kapatid at lubos siyang nagpapasalamat dahil nakikita niya ang nagiging progress nito.

Pagbabahagi niya, “I know na it's really expensive kaya sabi ko I need to find a way to provide for him. Agad-agad kasi 'di ba the earlier na mapa-OT therapy siya, the earlier na mabigay needs niya, the better kasi mas malaki 'yung magiging progress niya.

“So I think, dagdag 'yun na pressure before. Pero now na things are going well, I am just really beyond grateful kasi nakikita ko kung gaano din 'yung development niya.”

Hindi napigilan ng Underage star na maging emosyonal habang ibinabahagi ang naging pagbabago ng kanyang kapatid, “Now, he plays the piano and he's finding a hobby na he really likes. So, nakakatuwa lang na nakikita ko 'yung kapatid ko na he's also getting better.”

Sa eksklusibong panayam naman ng GMANetwork.com kay Lexi, ibinahagi niya na nagbago ang kanyang buhay mula nang tanghalin siyang First Princess ng StarStruck Season 7 dahil maraming oportunidad ang naibigay sa kanya at natulungan niya ang kanyang pamilya.

“I felt really grateful and thankful na First Princess ako ng StarStruck kasi hindi ko in-e-expect na makakapasok ako. Also, winning the title First Princess, hindi ko talaga inaasahan. When it happened, I was just really thankful and lahat nagbago right after that.

“Sunod-sunod na 'yung guestings, 'yung shows na natatanggap ko, trabaho. Then nag-start na akong magkaroon ng chance na matulungan talaga 'yung family ko and I really felt that I was doing something for myself and for the people I love,” saad niya.

Mapapanood si Lexi bilang Celine Serrano sa bagong afternoon drama series na Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

MAS KILALANIN PA SI LEXI GONZALES SA GALLERY NA ITO: