GMA Logo Lexi Gonzales
What's on TV

Lexi Gonzales, hindi makakalimutan ang viral moment niya sa "Flying Chair" game ng 'Running Man PH'

By Aedrianne Acar
Published December 14, 2022 11:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Lexi Gonzales


Umani na ng milyon-milyong views online ang LOL moment na ito ni Lexi Gonzales sa kanilang first-ever race last September.

Sinariwa ng StarStruck first princess na si Lexi Gonzales ang viral moment niya sa episode ng Running Man Philippines na "Flying Chair" game.

Sa Facebook umabot na sa mahigit sa 3.7 million views ang blooper na ito sa reality show dahil sa halip na si Angel Guardian ang itinapon, si Lexi ang lumipad papuntang pool.

Sa panayam sa Sparkle actress nitong Linggo ng hapon (December 11), inalala niya ang mga nangyari sa first-ever race nila.

Aniya, “Sobrang memorable po talaga 'yun, 'tapos first episode 'yun, tapos nangangapa ako, kasi ang galing nila lahat. Tapos ako medyo, okay, sakto lang ako dito na lang ako sa gilid. 'Tapos tinapon ako sa pool.”

Pabirong hirit pa niya sa mga nakapanood, “Ang saya-saya n'yo nga noh. Charing”

Mapapanood na this weekend ang last two episodes ng Running Man Philippines for this season. Taos-puso ang pasasalamat ni Lexi Gonzales na napasama siya sa ganitong kalaking project ng GMA Network at SBS Korea.

“Naniniwala po ako na hindi lahat nakaka-experience ng ganito sa isang show, kaya nagpapasalamat ako na napasama ako dito.”

Dagdag niya, “It's surreal kasi e na magkaroon ako ng ganitong cast mates, na magkaroon ako ng ganitong grupo na sobrang solid na totoo talaga 'yung samahan namin.”

FAN ART CREATIONS FEATURING THE RUNNING MAN PH CAST MEMBERS: