
Marami pang pagdadaanan ang karakter ni Lexi Gonzales sa bagong tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Gumaganap siya sa serye bilang Emma, ang computer analyst ng grupo.
"Si Emma will finally realize what's important to her or what she's been missing," lahad ni Lexi sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com.
May mauungkat din si Emma tungkol sa isang kaso na hawak ng Firewall.
"May madi-discover din siya na very important, very vital, in the process of finding Sunshine (Shayne Sava), kapatid ni Galo (Miguel Tanfelix)," kuwento ng aktres.
Matatandaang nawawala si Sunshine matapos um-attend ng job training para sa mga recent IT graduates.
Manganganib ang buhay ni Emma dahil sa impormasyong ito.
Sa katunayan, makikita sa isang teaser na inilabas ng programa na mababaril ito.
"Ang tanong is, masasabi niya ba kung ano 'yung nahanap niya? 'Yun ang dapat nilang abangan," ayon kay Lexi.
Alamin kung ano ang kahihinatnan ng karakter ni Lexi Gonzales na si Emma sa Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime! May second telecast ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din sa GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.