
Hindi napigilang mag-fangirl ni Running Man Philippines cast member Lexi Gonzales sa phenomenal Pinoy boy band na SB19.
Sa Instagram post na ibinahagi noong May 19, kitang kita ang saya ni Lexi kasama ang SB19 members na sina Pablo, Stell, Josh, Ken, at Justin.
Kuha ang larawan nang mag-perform ang SB19 sa All-Out Sundays 'PPOP FEST' noong March 31.
"Omg is this real?" caption ni Lexi sa post kasama ang SB19.
Nagpasalamat din ang aktres kay Josh, "Thank you, Josh Cullen. Iba ka talaga."
Sa comments section, biniro naman si Lexi ng co-star sa Running Man Philippines na si Glaiza De Castro.
Sulat ni Glaiza, "Ahhh nakabuo ka ng alliance ha!"
Pabirong sagot ni Lexi na may crossed fingers emoji, "Para kumpleto na sila sa susunod na season."
Isa ang SB19 member na si Josh sa guests ng second season ng Running Man Philippines, na napapanood Sabado at Linggo, 7:15 p.m. sa GMA.
TINGNAN ANG IBA PANG GUESTS PARA SA RUNNING MAN PHILIPPINES SEASON 2 SA GALLERY NA ITO: