GMA Logo Lexi Gonzales
Source: lalexigonzales (IG)
What's on TV

Lexi Gonzales, nagpaalam na sa 'Taskforce Firewall'

By Marah Ruiz
Published June 30, 2026 2:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fil-Am pharmacist wins Green Product Award in Berlin for 'Bebot' soap
Bea Millan-Windorksi walks the runway for bridal couture show
Pabayang ama, binata pa rin kung umasta! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Lexi Gonzales


Nagbigay ng maikling mensahe si Lexi Gonzales para sa 'Taskforce Firewall.'

Nagpaalam na ang karakter ni Kapuso actress Lexi Gonzales sa tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.

Gumanap siya dito bilang Emma, isang computer analyst na bahagi ng cybercrime division ng kapulisan.

Dahil sa patuloy na pag-iimbestiga ng grupo sa isang large-scale scam hub, na-ambush sila at si Emma ang napuruhan.

Source: lalexigonzales (IG)

Nagbigay ng maikling mensahe si Lexi para sa mga co-stars at iba pang nakatrabaho sa serye.

"Thank you, Taskforce Firewall," sulat niya sa Instagram

Nag-share pa siya ng ilang mga pictures mula sa set.

"Ps. Dami pa naming pictures as a team pero di ko alam kung nakaninong phone. ito lang mga nasa gallery ko," aniya.

"Anyway, Emma Mallari good night," pagtatapos ng caption ni Lexi.

A post shared by Lexi Gonzales (@lalexigonzales)

Sa pagkawala ni Emma, magkakaroon ng lamat ang tiwala ng team sa isa't isa at sa kanilang mga sarili.

Kukuwestiyunin ni Isa (Kylie Padilla) ang kakayanan bilang leader ng grupo.

Samantala, patuloy namang hahanapin ni Galo (Miguel Tanfelix) ang nawawalang kapatid salamat sa huling clue mula kay Emma.

Tumutok sa Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies.

May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.