GMA Logo Gil Cuerva and Lexi Gonzales
Source: lalexigonzales (IG)
Celebrity Life

Lexi Gonzales, nagpaliwanag sa kaniyang pagdepensa kay Gil Cuerva

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 1, 2026 2:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Visayas Grid on Yellow Alert for 3 hours on July 1
PNP won't disperse Iglesia Ni Cristo rally even if permit expires
Content creators, drag queens conclude Pride Month with music and self-expression

Article Inside Page


Showbiz News

Gil Cuerva and Lexi Gonzales


Lexi Gonzales kay Gil Cuerva: “Ayoko lang na jina-judge siya because of one particular thing.”

Sa isang eksklusibong panayam sa Fast Talk with Boy Abunda, nagsalita ang Taskforce Firewall star na si Lexi Gonzales patungkol sa naging dahilan ng pagtatanggol niya sa ex-boyfriend na si Gil Cuerva, matapos masangkot ang aktor sa isyu ng kumalat na intimate video online.

Sa kasagsagan ng kontrobersya, matapang na dinala ng aktres ang kaniyang saloobin sa Threads. Binigyang-diin niya na hindi kailanman tama na yurakan ang integridad ng isang tao sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga ilegal na content.

“Regardless of what happened between us, people shouldn't be trying to ruin a person's integrity by spreading malicious and illegal content about them. Mahiya naman kayo. You guys should have some dignity [and] respect,” sulat ni Lexi sa kaniyang post.

Nang tanungin ng King of Talk kung saan nanggaling ang kaniyang lakas ng loob na ipagtanggol ang dating kasintahan, inamin ni Lexi na ito ay dahil sa magandang pinagsamahan nila noong sila pa.

Pinatunayan din niya na hindi sapat ang isang pagkakamali para husgahan ang buong pagkatao ng aktor.

“He was a great guy, and I know him as a great guy. And ayoko lang na jina-judge siya because of one particular thing,” paliwanag ng aktres.

Sinundan naman ito ni Tito Boy ng tanong kung ano nga ba ang naging ugat ng kanilang hiwalayan. Gayunpaman, minabuti ni Lexi na manahimik na lamang at huwag nang idetalye ito para na rin sa kapayapaan ng loob ni Gil.

Kuwento pa ni Lexi, nagpaabot ng pasasalamat sa kaniya ang aktor matapos ang kaniyang naging pahayag.

“He thanked me. He didn't have to, but he still did. Even though, s'yempre, ang bigat din ng pinagdadaanan niya,” aniya.

Nang kumustahin ang kanilang kasalukuyang estado, masayang ibinahagi ng aktres na maayos ang kanilang relasyon ngayon bilang magkaibigan. Ayon sa kaniya, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nanatili siyang kaibigan sa isang ex-boyfriend.

“We're friends. We're okay... No, this is the first time [na nakipagkaibigan ako sa ex],” pag-amin ni Lexi.

Sa huli, nag-iwan din ang aktres ng isang mahalagang aral na kaniyang natutuhan mula sa kanilang nagdaang relasyon.

“When you love somebody, don't make one person your world, because there's so much out there,” sabi ni Lexi.

Nagpaabot din siya ng isang maikli ngunit makahulugang mensahe para kay Gil: “Keep on growing. I know you're doing well.”

Noong nakaraang Marso, tuluyan na ring binasag ni Gil Cuerva ang kaniyang katahimikan upang magbigay ng pahayag hinggil sa kumalat na kontrobersyal na video.

Nililinaw ng aktor na ang naturang footage ay kinunan nang wala kaniyang alam o pahintulot.

“The video being shared online was recorded without my knowledge or consent during a private moment. The use of a hidden camera and the distribution of that recording are serious violations of my privacy and constitute a crime,” opisyal na pahayag ni Gil.

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ng aktor ang mga taong hindi nag-atubiling tumayo, magsalita, at ipagtanggol ang kaniyang reputasyon sa gitna ng matinding pagsubok, kabilang na ang kaniyang pamilya, mga kaibigan, at ang ex-girlfriend na si Lexi.

“Thank you to my friends and family who reached out with support during this time, and thank you to those who spoke up to defend my name,” pagtatapos ng aktor.

A post shared by Gil Cuerva (@gilcuerva)

Related Gallery: All the photos that prove Lexi Gonzales and Gil Cuerva make a great couple