
Ramdam ng viewers ang sigaw ni Lexi Gonzales sa Tied & Tested Game sa Running Man Philippines last Saturday (September 24) dahil sa hindi niya inaasahan, siya ang naparusahan nang hindi masagot ni Ruru Madrid ang larawan sa picture quiz.
Dapat si Michelle Dee na partner ni Ruru ang dapat naputol ang rope, pero laking gulat ni Lexi na siya ang tuluyang nahulog.
Napasigaw tuloy ang StarStruck First Princess at naalala naman ang nangyari nung nagkamali na napalipad siya sa Flying Chair Game.
Napatawa naman ang mga Runners, pati ang special guests dahil sa nangyari.
Aliw na aliw naman ang mga netizen sa reaksyon ni Lexi Gonzales at sinabi na nakaka-good vibes sa tuwing mapapanood nila ang Kapuso actress.
Umani na rin ng mahigit sa 1.4 million views sa Facebook ang video clip na ito ni Lexi.
Tumawa with the whole family by watching Running Man Philippines tuwing Sabado ng gabi, 7:15 p.m. at sa Linggo naman ay sa oras na 7:50 p.m..
LET'S TAKE A QUICK TOUR IN SOUTH KOREA WITH OUR CELEBRITY RUNNERS HERE: