GMA Logo lexi gonzales
Source: lalexigonzales/IG
What's Hot

Lexi Gonzales, pangarap pa ring maging news anchor

By Kristian Eric Javier
Published October 12, 2023 4:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rave Victoria tears up as he reunites with his mom
Lake Holon to close temporarily starting January 3, 2026
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

lexi gonzales


Alamin kung paano nagsimula ang pangarap ni Lexi Gonzales bilang isang news anchor dito:

Bata pa lang ay alam na ni Lexi Gonzales na gusto niyang maging isang news anchor, bukod sa pagiging singer. Bagamat isa na siyang artista na siya, nananatili pa rin ang pangarap na ito ng Sparkle talent.

Sa interview niya sa Surprise Guest with Pia Arcangel podcast, ikinuwento ni Lexi kung paano siya na-immerse sa GMA news and entertainment programs noong bata pa siya, na nagtulak din sa kanyang pangarapin maging isang news anchor.

“From Imbestigador pa dati, to Saksi sa pinaka-late na ng gabi, 24 Oras, definitely... Habang nagsasaing ako, nanonood ako ng 24 Oras and of course, Art Angel, ang daming shows na talagang inaabangan ko dati,” sabi nito.

Ibinahagi rin ni Lexi kung paano niya inisip noon kung ano ang pakiramdam ng ganung trabaho.

“Bukod pa dun, you raise an entire generation e, like ako, I was raised by really, really great newscasters. Information, lahat, na-a-absorb ko dati because of you guys,” sabi nito.

Dahil dito, ikinuwento ni Lexi kung paano siya na-inspire sa pagiging isang newscaster at pinangarap na maging parte ng broadcast industry.

“Up until now, I want to be a newscaster someday pero siyempre, mag-aaral muna po ako and really go through a lot of the challenges and training,” sabi nito.

Kuwento pa niya ay kumukuha siya ngayon ng kursong Multimedia Arts sa isang unibersidad sa Makati, at sinabing “very immersed” na siya sa broadcast industry.

KILALANIN PA ANG RISING STAR NA SI LEXI GONZALES SA GALLERY NA ITO:

Ayon kay Lexi, ang lola niya ang isang malaking dahilan kung bakit niya pinangarap maging isang newscaster dahil lagi silang nanonood ng news programs. Ngunit aminado rin siya na nawala ang pangarap niyang iyon noong magkahiwalay sila ng kanyang lola dahil lumipat sila sa Manila mula Cavite.

“Nung lumipat kami ng Manila, medyo nawala siya, e. Hindi na niya ako naga-guide, so naging iba na 'yung mga hilig ko, nakalimutan ko for a while 'yung ganung dream ko,” sabi nito.

Ang nagpabalik sa kaniyang dating pangarap ay nang ma-scout siya bilang isang artista.

“I realized na hindi, ito 'yung mga gusto ko e, I dreamt to be this and to be that,” kuwento nito.

“I didn't think... Maybe God also brought me back kung saan siguro, 'Ito 'yung gusto mo, 'di ba? What you want,' na I lost track for a while. Maybe because of the new environment, Manila environment, but then ngayon, nafi-feel ko na ulit na ito 'yung gusto ko, ito 'yung roots ko,” dagdag nito.

Pakinggang ang interview ni Lexi sa Surprise Guest with Pia Arcangel dito: