
Unang nakilala ang Bebe Gurl Biritera na si Liana Castillo nang sumali siya sa season 5 ng reality singing competition na The Clash. Pero ayon sa kaniya, hati ang kaniyang mga magulang sa pagpayag noon na sumali siya sa singing contest.
Sa Surprise Guest with Pia Arcangel podcast, sinabi ni Liana na ang mommy niya ang ang-udyok sa kaniya na sumali noon sa The Clash. Ngunit ayon sa young singer, “medyo against” ang daddy niya sa kaniyang pagsali.
“Sabi niya, hindi pa daw po ako handa, bakit ipu-push pa natin 'to. Pero si mommy po, siguro may nafi-feel po siya na magiging malaking stepping stone ko po ito sa buhay, talagang siya po 'yung nag-push na sumali po ako,” sabi niya.
Ayon pa kay Liana, bago siya pumila mismo para sa live audition sa GMA, nagpadala pa sila ng kaniyang audition video. Kaya lang, sa huling linggo na ng audition nila ito naipadala, at humabol na lang sila sa live nang matanggap siya dito.
Ngunit kahit hindi sang-ayon sa umpisa ang kaniyang daddy, ito raw mismo ang naging vocal coach niya, at nag rekomenda sa kaniya ng mga kanta.
“Si dad po ang talagang nag-push sa akin na mag-aral ng mga songs, mga Lani Misalucha po, siya rin po ang nag-recommend ng songs,” sabi niya.
Sobrang strikto rin umano nito tuwing tinuturuan siya. Aniya, “Talagang konting, 'Naku, mali 'yan! Bakit 'yan ang ginagawa mo?' 'Naku, medyo flat ka diyan.' Siya po. Napaka-strict niya rin po when it comes sa singing.”
Miyembro umano ang daddy niya ng isang singing trio kaya naman, maraming techniques din ang naituro niya kay Liana pagdating sa pagkanta at pag-eensayo.
“When it comes to voicing, like harmonzing, siya po nagturo po sa akin. 'Yung mga vocalization, sabi niya, 'Naku, dapat masipag ka mag-vocalize. Dapat alagaan mo sarili mo, bawal 'yang sweets, bawal malalamig.' Siya po 'yung as in strict na strict po diyaan,” sabi niya.
MAS KILALANIN PA SI LIANA SA GALLERY NA ITO:
Ngunit aminado si Liana na kahit meron siyang “cheat days” sa pag-inom ng malamig at pagkain ng sweets, sinisigurado pa rin niyang maaalagaan niya ang kaniyang boses.
“Kailangan po kasi parang puhunan ko na rin po 'yung voice ko,” sabi niya.
Pakinggan ang buong interview ni Liana dito: