GMA Logo liana castillo in the clash 2023
What's on TV

Liana Castillo, palaban sa 'The Clash Concert'

By Jansen Ramos
Published May 28, 2023 4:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bystander who tackled armed man at Bondi Beach shooting hailed as hero
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

liana castillo in the clash 2023


Dahil sa ipinakita niyang galing, pasok si Liana Castillo sa final four ng 'The Clash 2023.'

Puro papuri ang natanggap ni Liana Castillo mula sa judges sa nakaraan niyang performance sa The Clash 2023.

Inawit niya ang "I Who Have Nothing" ni Tom Jones at "I Have Nothing" ni Whitney Houston sa “The Clash Concert” na ipinalabas noong Linggo, May 21.

Ayon kay judge Christian Bautista, nakita niyang lumaban si Liana mula simula hanggang dulo ng kanyang performance.

Komento naman ni Aiai Delas Alas, "Alam mo 'yang kanta mong 'yan na 'I Have Nothing' ay hindi mo na ulit aawitin dahil in the future, you will have everything dahil sa husay mo na ipinakita mo ngayon."

Naniniwala naman si Lani Misalucha na marami pang pwedeng ipakita si Liana dahil lagi nitong nahihigitan ang kanyang past performances.

Panoorin dito:

Dahil sa ipinakita niyang galing, pasok si Liana sa final four ng The Clash 2023.

Bilang finalist, may tsansa siyang masungkit ang titulong fifth The Clash winner sa grand finale ng musical competition na magaganap ngayong Linggo, May 28, 7:50 p.m., bago ang KMJS sa GMA 7.

Maaari rin itong mapanood sa YouTube channel/Facebook page ng The Clash at Facebook page ng GMA Network kasabay ng pag-ere nito sa TV.

Para sa iba pang updates tungkol sa The Clash, bumista sa GMANetwork.com/TheClash o sa official social media pages ng programa.

Ang The Clash 2023 ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio.

KILALANIN ANG FINAL FOUR CONTESTANTS NG THE CLASH 2023 SA GALLERY NA ITO: