GMA Logo Lianne Valentin
Photo by: lianne.valentin (IG)
What's Hot

Lianne Valentin, binalikan ang transition from child star to young actress

By Aimee Anoc
Published March 27, 2024 6:09 PM PHT
Updated March 28, 2024 11:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Babaeng suwerte sa raffle, umabot na raw sa P1-M ang halaga ng mga napanalunan
Isa ka hinuptanan nga karabaw, nasapwan nga nakabitay sa Ibajay, Aklan | One Western Visayas
Sparkle artists, bibida sa GMA Radio 'Higanteng Pasasalamat' event

Article Inside Page


Showbiz News

Lianne Valentin


Lianne Valentin sa showbiz journey mula pagiging isang child star: "Mahirap 'yung adjustment"

Aminado si Lianne Valentin na hindi madali ang naging adjustment niya mula sa pagiging isang cute na child star noon sa 2009 children's show na Tropang Potchi, hanggang sa pagiging isang teen star at ngayo'y isa sa mga pinakamahuhusay na aktres ng Kapuso Network.

Ilan sa tumatak na roles ni Lianne sa telebisyon ay bilang Stella ng Apoy Sa Langit, Beatrice ng Royal Blood, at Hannah ng Lovers & Liars. Bukod dito, kabilang si Lianne ngayon sa sampung naggagandahan at empowered women ng Sparkle GMA Artist Center, na ipinakilala bilang Sparkle 10.

Ayon kay Lianne, hindi niya namalayan at nagulat din siya sa naging journey niya sa showbiz dahil, aniya, parang kailang lang.

"Siguro na-appreciate ko 'yung growth na naranasan ko, 'yung journey throughout. Ito na 'yun naman, and I'm really grateful for that," sabi ni Lianne sa interview sa Updated with Nelson Canlas.

"Pero, nagugulat din talaga ako na, parang, kailan lang? Na, talagang, naglalaro-laro lang ako, tapos, biglang ngayon, kasama na kami sa Sparkle 10. 'Yung iba kong kasama doon, kasama ko rin [simula] pagkabata, si Ashley [Ortega], si Faith [Da Silva]. Ito na kami ngayon," dagdag niya.

Hindi man naging madali ang adjustment niya, masaya si Lianne dahil napaka-supportive ng mga taong nakapaligid sa kanya tulad ng kanyang pamilya, management, Sparkle, at GMA.

"Also I have friends sa showbiz na kasama ko in this journey. Actually, 'yung sa Sparkle 10 'yung iba nakasama ko talaga. Through yung journey mo, personal journey mo rin sa iba ay nasi-share din ng iba 'yung personal journey nila sa akin. So, doon ako very happy.

"Mahirap 'yung adjustment, oo. Kasi, normal naman 'yun na nag-a-adjust ka sa mga situations. Pero, ewan ko, so far sa akin, and sa awa na rin ni Lord talaga, as in, very sweet naman. And super, nase-cherish ko every moment of the growth."

Samantala, panoorin si Lianne sa Royal Blood na mapapanood na ngayon sa Netflix Philippines, Asia Pacific, at Middle East.

Pakinggan ang buong interview ni Lianne Valentin sa Update with Nelson Canlas dito:

MAS KILALANIN SI LIANNE VALENTIN SA GALLERY NA ITO: