What's Hot

Lianne Valentin, Mosang, at iba pang Kapuso stars, bibida sa Regal Entertainment films

By Kristine Kang
Published September 23, 2024 12:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tech innovator Dado Banatao passes away at 79
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

lianne valentine and mosang


Maraming dapat abangan sa Kapuso stars ngayong taon!

Patuloy na nagniningning ang Kapuso stars sa iba't ibang larangan ng media, lalo na sa makulay na industriya ng pelikula.

Sa isang event ng Regal Entertainment kamakailan, masayang inilahad ang kanilang upcoming films ngayong taon. Ito ay bahagi ng pagbibigay-pugay sa yumaong founder ng Regal Entertainment na si Lily Monteverde, o mas kilala bilang Mother Lily. Ang mga pelikulang Guilty Pleasure, My Future You, at Untold, ang huling batch na inaprubahan ni Mother Lily para buuin at ipalabas sa publiko.

Kasama sa cast ng Guilty Pleasure ay ang Chinito hottie na si Dustin Yu. Kasama niya sa pelikula ang kilalang mga stars na sina Lovi Poe, JM De Guzman, at Jameson Blake.

Sa kaniyang panayam kasama ang GMA Integrated News, malaki ang kaniyang pasasalamat sa maraming opportunities na natatangap niya ngayong taon.Dagdag pa ng aktor, "Dito ako nagsimula [sa Regal] and until now tuloy-tuloy ang projects ko sa kanila."

Dumalo rin sa event si Rob Gomez at masaya siya na makasama na rin sa film production company. "To be given a chance to be part of this family is amazing and I won't let them down," pahayag niya.

Ang Pepito Manaloto star na si Mosang, o Maria Alilio Bagio sa tunay na buhay, ay nagpapasalamat din na magkaroon ulit ng pelikula sa ilalim ng Regal Entertainment. Masaya rin siya na makabilang sa mga huling pelikula na hinawakan ni Mother Lily na My Future You.

"Ang Regal, icon na 'yan, e. From '70s to the '80s baby ako so syempre part of my life ito. So when I started my acting career, sabi ko, 'Sana magkaroon ako ng Regal [project].' Everything of it, natupad naman," sabi niya sa isang panayam kasama ang GMANetwork.com.

Napasabak naman sa horror film ang Sparkle 10 star na si Lianne Valentin sa pelikulang Untold. Inamin ng aktres na medyo na-challenge siya sa kaniyang karakter lalo na't ito ang kanyang unang beses na bumida sa horror.

"'Yung character ko dito medyo complicated sa movie na ito and medyo maraming hinihingi si direk [Derick Cabrido] sa karakter ko na ito kaya talagang pinag-aralan ko and nagtanong ako kay direk kung ano ba dapat kong gawin or ano 'yung mga kailangan kong pagtuunan ko ng pansin when it comes to my character," paliwanang ni Lianne.

Bukod dito, may mga dapat abangan na proyekto sina Lianne, Rob, at Dustin sa GMA Network. Patuloy namang nagbibigay saya si Mosang sa family comedy show na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.