
Masayang-masaya si Sparkle actress Lianne Valentin sa natanggap na birthday surprise sa set ng Royal Blood.
Bilang selebrasyon sa kanyang 22nd birthday ngayong araw, August 16, naghanda ng birthday cake ang cast at crew ng Royal Blood at kinantahan din siya sa set.
Nakatanggap din ang aktres ng mga pagbati mula sa kanyang Royal Blood co-stars na sina Dingdong Dantes, Megan Young, Rhian Ramos, Dion Ignacio, at Sienna Stevens.
"Happy birthday to our baby Lili. So happy to work with you and get to know you. I'm in awe of your skills and maturity beyond your years. God bless you, Bee," pagbati ni Rhian.
"Happy birthday our Leo Queen!" sabi naman ni Megan.
Ilang celebrities din ang nagpahatid ng pagbati para kay Lianne tulad nina Faye Lorenzo, Faith Da Silva, Haley Dizon, Sofia Pablo, Sugar Mercado, at Luis Hontiveros.
Sa Royal Blood, napapanood si Lianne bilang Beatrice, ang materialistic at superficial na bunsong anak ni Gustavo Royales (Tirso Cruz III).
Patuloy na subaybayan si Lianne sa Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream
TINGNAN ANG AWRAHAN NI LIANNE VALENTIN SA SET NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: