GMA Logo Lianne Valentin
What's Hot

Lianne Valentin, nakatanggap ng birthday surprise sa isang shoot

By Maine Aquino
Published August 16, 2022 1:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang magsasaka, apektado ng kakulangan sa supply ng tubig dahil sa mainit na panahon
Old woman in Benguet killed, buried allegedly by own son
Jennylyn Mercado shares why a fresh-smelling home matters to her

Article Inside Page


Showbiz News

Lianne Valentin


Panoorin ang cute na reaksyon ni Lianne Valentin nang bigyan siya ng birthday surprise ng GMANetwork.com.

Kitang-kita ang saya ni Lianne Valentin sa inihandang early birthday surprise sa kaniya ng GMANetwork.com.

Si Lianne ay nag-celebrate ng kanyang kaarawan ngayong August 16 ngunit nakatanggap siya ng maagang sorpresa sa shoot ng kaniyang Kapuso Profiles feature.

Ang akala ni Lianne ay may kukunan pang ilang detalye para sa kanyang shoot kaya laking gulat niya nang abutan siya ng cake at flowers sa pagbukas niya ng pinto.

Saad ni Lianne sa video, "Pinapakilig ninyo ako!"

Ayon pa kay Lianne, hindi niya inaasahan na may espesyal na handog ang team para sa kaniyang birthday.

"Thank you so much! Ang sweet!"


PHOTO SOURCE: GMANetwork.com

Dagdag pa ng Apoy sa Langit star, "Ang sweet! Kinilig ako oh my god. Akala ko naman kung ano pang meron!"

Panoorin ang cute na reaksyon ni Lianne.

SAMANTALA, TINGNAN ANG STUNNING AT STYLISH LOOKS NI LIANNE: