GMA Logo lianne valentin
Courtesy: GMA Network
What's on TV

Lianne Valentin, natuwa sa kanyang 'Widows' War' stint

By EJ Chua
Published October 1, 2024 6:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rain over Luzon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

lianne valentin


Napapanood sa 'Widows' War' ang karakter ni Lianne Valentin sa 'Royal Blood' na si Beatrice Royales!

Mula sa Royal Blood, tumawid sa 2024 murder mystery drama na Widows' War ang karakter ni Lianne Valentin na si Beatrice Royales.

Isa si Lianne sa guest actors na napapanood ngayon sa pinag-uusapang serye.

Sa isang exclusive interview, inilahad ng Sparkle actress na masaya siyang napabilang siya sa star-studded cast nito.

Pahayag niya, “It's been a year nung Royal Blood and hindi ko akalain na hindi pa rin nakakalimutan ng mga tao 'yung character ko na si Beatrice Royales, kaya very very happy.”

Ayon kay Lianne, first time niyang nakatrabaho para sa isang serye ang Widows' War lead stars na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.

Binanggit din niya na marami siyang natutuhan sa kanyang co-stars.

Sabi niya, “First time ko makatrabaho sila Ate Carla, Ate Bea. Ang dami kong natutuhan sa kanila mas lalo na kay Ms. Jean [Garcia]. Sobrang happy ko na nakatrabaho ko sila.”

Ayon pa kay Lianne, masaya siyang isang malaking pamilya sila sa set ng ongoing series.

“Ang dami-dami namin sa Widows' War and sobrang saya ko dahil we're a big family,” sabi niya.

Ang karakter ni Lianne na si Beatrice ay kilala ngayon sa Widows' War bilang ex-girlfriend ni Basil Palacios, ang karakter ni Benjamin Alves.

Ano pa kaya ang mangyayari kay Beatrice Royales at sa mga Palacios?

Patuloy na tumutok sa Widows' War, mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.