GMA Logo Lianne Valentin
PHOTO BY: Cyrus Panganiban
What's Hot

Lianne Valentin, thankful sa blessings na natanggap ngayong 2022

By Maine Aquino
Published December 19, 2022 6:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Jimuel Pacquiao scores 1st win with 2nd-round KO of Darrick Gates
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Lianne Valentin


Ibinahagi ni Lianne Valentin ang mga ipinagpapasalamat niya sa taong 2022.

Very thankful and blessed ang pakiramdam ng Kapuso star na si Lianne Valentin ngayong 2022.

Sa taong ito, sunod-sunod ang projects ni Lianne sa GMA Network. Ilan sa mga ito ay ang Apoy sa Langit, Regal Studio Presents, at kasalukuyang napapanood ang aktres sa Abot-Kamay Na Pangarap.

Ngayong 2022, tinanggap rin niya ang kanyang first acting award. Siya ay kinilala bilang Best Supporting Actress sa 11th OFW Gawad Parangal Celebration para sa kanyang pagganap bilang Stella sa Apoy sa Langit.

Kuwento ni Lianne sa GMANetwork.com, "Grabe 'yung 2022 ko. Grabe 'yung blessings na na-receive ko this 2022 and wala akong masabi doon."

PHOTO BY: Cyrus Panganiban

Dugtong pa ng aktres, "Everytime na nilu-look back ko lahat ng blessings na ibinigay talaga sa akin ni Lord, ng GMA Network, ng Sparkle, nagiging emotional ako sa totoo lang."

Masaya si Lianne dahil nabigyan siya ng tiwala ng GMA Network.

Ani Lianne, "I am very happy na grabe 'yung tiwala sa akin ng network. Grabe 'yung tiwala ng mga bosses ng GMA, ng Sparkle, sa akin.

Pangako ni Lianne, ibibigay niya pa rin ang kanyang best sa mga susunod na mga proyekto.

"Gagawin ko talaga 'yung very best ko sa lahat ng trabaho na ibibigay nila sa akin."

Inamin rin ng aktres na excited siya sa taong 2023. Paliwanag ng Kapuso star, ibabahagi niya ito kapag puwede nang isapubliko ang mga detalye sa kanyang gagawing proyekto.

"Meron tayong nilu-look forward this 2023. Hindi ko pa puwede i-discuss 'yung details so abang-abang lang tayo pero sobrang excited ako to share this exciting news sa inyo soon."

SAMANTALA, BALIKAN ANG GLAM PHOTOS NI LIANNE VALENTIN: