
Aminado si Kapuso actress Liezel Lopez na takot siyang masaktan dahil sa naging experience niya sa isang past relationship.
Sa programang Mars Pa More, napag-usapan ang tungkol sa mga fears na nagiging hadlang sa pag-achieve ng isang tao sa kanyang mga goals.
Ibinahagi ni Liezel na mayroon siyang "fear of getting hurt."
"Once na nasaktan 'yung tao nag-iiba siya. It will never be the same person, I think. It's either you're gonna get worse or you're gonna get better," pahayag ng aktres.
Hindi lang daw emosyonal kundi pati sa pisikal na pananakit nag-ugat ang takot niyang ito.
"Ang pinakamalala siguro sa akin is 'yung nagkaroon ako ng boyfriend before na nananakit siya physically. So, hindi lang siya emotional, pati physical din. Kung sinasabi niya sa 'yo na love ka niya pero kaya niyang gawin 'yun, how can you trust another person again and give yourself [to another person]," paliwanag ni Liezel.
Para naman sa Mars Pa More host na si Camille Prats, nakaramdam daw siya ng "uncertainty" dahil na rin sa pandemic.
"Based on experience, ang pinaka familiar sa akin na naranasan ko lately is 'yung uncertainty. I think it was brought about by our situation. Noong nangyari yung lockdowns doon talaga ako [napaisip]. Anong mangyayari sa ating lahat? Paano 'yung health ng lahat? Are we gonna make it out alive? Are we gonna survive?" bahagi niya.
Budko dito, nag-alala din siya sa pinansiyal na sitwasyon ng kanyang pamilya.
And siyempre, mars, 'pag magulang ka iisipin mo 'yung financial [situation] niyo. Paano kami magtatrabaho? Paano namin bubuhayin 'tong mga anak namin?" ani Camille.
Humugot daw siya ng lakas sa kanyang pananampalataya.
"'Yun siguro yung na feel ko but just like everybody else, kanya kanya nating hinahap kung ano ba talaga 'yung kailagnan natin sa panahon na 'to. For me it was faith," kuwento niya.
Alamin ang naging fears ng Mars Pa More co-host niyang si Iya Villania at ng guest na si Myrtle Sarrosa sa video sa itaas.
Samantala, silipin ang stunning viral photos ni Liezel sa gallery na ito: